Chapter 30

148 8 0
                                    


KITTY

Pinaliwanag ko na kila Heaven ang nangyari sa pagitan namin ni Gray. At dahil dun hindi ko maiwasang mahiya kay Aizan, dahil ngayon hindi narin sya sumabay samin.

I just wanna talk to him since hindi naman sya aware dun sa nangyari. Pero siguro nakaramdam sya kaya minabuti nyang sya narin ang unang umiwas.

"Aizan, sorry nga pala dun sa nangyari nung lastime na sumabay ka samin maglunch." Sabi ko sa kanya ng one time na makasalubong ko sya sa Canteen.

"No, Kitty. You don't have to say sorry, I really understand. Siguro naging mabilis lang ako sa actions ko, wrong move yun." Paliwanag nya sakin.

Nakikita kong mabuting tao si Aizan, kaya alam ko rin na gusto nya lang makipagkaibigan. Pero kasi hindi ko rin naman kaya na magselos si Gray kapag may kausap akong iba.

Kaya mas mabuting umiwas na nga lang ako, kesa naman mag-away kame kapag ganun ang naabutan nya. Normal naman yun diba? Yung magselos ang Boyfriend mo kapag may kausap kang iba. Kasi ganun rin naman ang mararamdaman ko kapag nakita kong may kausap ring iba si Gray.

"Your Boyfriend too much possessive, well hindi ko sya masisi dahil maganda naman talaga ang Girlfriend nya." Nakangiting sabi, hindi ko tuloy alam kung anong kailangan kong ireact dun sa sinabi nya.

"Ay! Salamat."

"Sige, see you around." Tumango lang ako saka nya ako tinalikuran.

I suddenly wish na hindi umabot sa puntong lahat ng lalaki makausap ko ay pagselosan nya. Mabait si Gray kaya hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang galit nya nang makitang magkausap kame ni Aizan.

Pagkatapos ng huling klase namin, dumiretso na ako sa building ni Heaven. Sasabay kasi ako sa kanya umuwi ngayon, dahil may practice ng basketball sila Gray.

Saktong palabas narin si Heaven ng maabutan ko sya. Si Christian nauna nang umuwi dahil sa ojt nila, hindi narin namin sya madalas makasama. Naging busy narin kasi sya this fast few days eh.

Nakatanggap naman akong text galing kay Gray, kaya agad kong binuksan yun at binasa.

Boyfie:

Where are you now?

Ako:

Kasama ko na si Heaven. Pauwi na kame.

Boyfie:

Okay. Ingat. Iloveyou.

Ako:

IlOve you too.

Hindi narin sya nagreply, siguro nagsimula na yung practice nila. Pagkabulsa ko ng phone naabutan kong titig na titig sakin si Heaven. Inirapan ko sya pero tinawanan nya lang ako.

"Iloveyou too. Haha.!" Natatawa nyang pang-gagaya sa text ko kay Gray.

"Tara na." Hindi ko na sya pinansin saka nagsimulang lumabas ng campus.

Sinabayan naman nya agad ako maglakad, magccomute lang kame ngayon para maiba naman. Wala rin kasi ang driver nila Heaven dahil lumuwas ng Manila ang Mommy nya.

"Kamusta naman ang buhay relasyon, bessy? You're always blooming oh." Sinusundot-sundot pa nya yung pisngi ko saka tawa ng tawa.

Hinawi ko naman yung kamay nya. "Ikaw rin, halatang inlove ka oh." Binalik ko sa kanya yung ginawa nya kaya hinawa nya rin yun.

"Bakit palagi mong binabalik sakin yung tanong? Obviously naman na ikaw ang masaya jan eh."

"Bakit hindi ka ba masaya kay--"

Firts LOVE(MarVoree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon