KITTY*"Ate Kitty."
Nakahiga lang ako sa kama ng marinig ko ang pagpasok ni Angel at pagtawag sakin. Hindi ko sinasadya na mag-alala sila sakin, hindi ko lang namalayan ang oras ng pag-uwi ko.
Its 11am when I checked my alarm clock on my side table. Ni hindi ko alintana ang gutom dahil ang totoo wala talaga akong gana sa lahat.
"Ate, hindi ka nagbreakfast. Hindi ka rin ba kakain ng tanghalian?" Nilapitan nya ako sa kama at umupo sa tabi ko. Nakita ko sa kanya ang pag-alala sa sitwasyon ko, dahilan narin yun para hindi nya ako kulitin.
"Ate, kailangan mong bumangon...meron kasing naghihintay sayo sa la--"
"Angel." Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng mahina ko syang tawagin. "Please tell them that I want to be alone, hindi ko pa sila kayang harapin."
Nanatili lang sya nakatingin sakin, alam kong alam na nila ni Mama yung nangyari kahapon. Nalaman ko kasing hinihintay ako nila Heaven dito sa bahay kagabi.
Alam kong masyado ko silang pinag-aalala ngunit hindi ko rin kasi maiwasan gayong masakit pa sakin malaman ang katotohanan.
"Kausap na sya ni Mama sa labas, hindi mo ba talaga sya haharapin?"
"I told you, wag muna ngayon. Alam kong maiintindihan nila ako."
"Sino bang nila ang sinasabi mo?" Kunot noo nyang tanong. Eh sino rin bang bisita ang sinasabi nya kung hindi sila Heaven.
"Nakakahiya naman siguro kung hindi mo haharapin...yung...Mama ni Kuya Gray."
Dahil sa huling sinabi nya, dun pa lang nagsink in sakin kung sino yung tinutukoy nya. Napabalikwas agad ako ng bangon saka sya hinarap.
"What did you just say?"
"Yung Mama ni Kuya Gray nasa labas, gusto ka daw nya makausap."
"Bakit hindi mo sinabi agad?" Tumayo na ako at agad dumiretso sa closet para kumuha ng damit.
"Hindi mo muna kasi ako pinapatapos eh." Nakasimangot nyang sagot saka lumabas ng kwarto.
Nagmadali agad akong naligo at nagbihis. Kung totoo man ang sinasabi ni Angel dapat lang na hindi ko paghintayin ang Mama ni Gray. Wala rin akong idea kung bakit sya nandito, kaya minabuti kong lumabas na para harapin sya.
I was walking to living room when I saw her talking with Mama. Nang makalapit ako sa kanila, agad akong bumati sa kanya. Tumayo narin sya para magbeso sakin. Naka black sleeves dress sya at nakalugay ang ngayon kulot nyang mahabang buhok.
"Kitty, maiwan ko muna kayo." Sabi ni Mama saka sya pumunta ng kusina.
"Upo po kayo."
"Thanks."
So this is it. I don't know what to say.
Umupo narin ako sa tapat nya, nakatingin lang sya sakin ng seryoso. Napansin nya siguro ang pagiging tahimik ko kaya sya na ang unang nagsalita."I just came here to talk about you and Gray." Hindi kaya sinabi sa kanya ni Christian yung tungkol samin ni Gray. "Alam ko kung ang tungkol sa inyo at sa kung anong relasyon nyo ni Gray."
"Sinabi po ba ni Christian?"
"He doesn't tell me. Pero si Gray sinabi nya sakin ang tungkol sayo."
Makikita ang sinsiridad sa sinasabi nya. Kung ganun una palang pala alam nya na? Pero bakit kailangan magpanggap pa sya sa harap ko at sa harap ng iba. Maaring isa lang ang dahilan, yun ay ang hindi nya ako gusto para kay Gray.
"When he's come back to Italy. He's always mentioned you to us." Napaayos sya ng upo saka muling nagsalita. "Kitty is on the phone, namimis ko na si Kitty. Excited na akong makita si Kitty...yan palagi nyang sinasabi samin. Kaya nung tinanong ko sya kung girlfriend nya yung Kitty...masayang masaya syang sumagot." Saka sya ngumiti ng maalala nya siguro yung pagkasabi ni Gray. "And Im happy for him...but I realized its doesn't enough. Kasi kung mahal ka nya, ikaw ang pipiliin nya."
Dun ako napatingin sa kanya at ang lungkot sa mukha nya ang bumungad sakin. Sinasabi ba nya to sakin ngayon, dahil yun ang naging desisyon ni Gray ang hindi ako piliin.
"Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Alam mo naman siguro ang nangyaring trahedya sa pamilya namin." Taas kilay nyang sabi. "His Dad rushed in the Hospital for heart attack and mild stroke. Kaya naman kinaylangan ni Gray na umuwi sa Italy." Kumuha sya ng tissue sa kanyang bag at saka pinunasan ang luhang naglandas sa kanyang mata.
"And after that matagal bago sya nakarecover. Then our company had a problem dahil narin sa walang umasekaso nun. Umatras ang mga investments maging ang mga stockholders. Ang laking halaga ng nawala sa kompanya kaya nahirapan kameng makabangon."
Parang alam ko na kung san patutunguhan tong kwentong sinasabi nya ngayon. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya, pero naiintindihan ko kung bakit nya to kailangan sabihin sakin.
"I'm not disagree for Gray's relationship with someone. But incase to our situation kailangan ni Gray magpakasal kay Kisses. Do you know her, right?" Tumango lang ako bilang sagot saka sya nagpatuloy. "Kisses love Gray so much, and I can see that. Sa tingin ko magiging madali lang rin kay Gray ang pag-aralan syang magustuhan."
"So, gusto nyo po bang makipaghiwalay ako Gray kaya nyo sinasabi to lahat sakin?" Natawa sya ng pagak saka muling sumeryoso. Hindi ko naman inalis sa kanya ang paningin ko.
"To tell you franckly, you're probably right. Its hard for me to say this pero kailangan kong ipaintindi sayo. We just need a Delavin Corporation para narin mapanitili samin ang kompanyang matagal na tinaguyod ng aking asawa. I know this been sound selfish, hindi ko to ginagawa para samin kundi para narin sa kinabukasan ng anak ko."
She's right she's being selfish for what she said so. Makasarili nya dahil hindi man lang nya inisip kung anong sasabihin ni Gray. Ngunit ayon narin sa sinabi nya mukhang nakapag desisyon narin si Gray dahil hindi daw ako ang pinili nya.
"So, I was here to beg you. Kitty." Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko. "You're a nice person, and someday you'll find a right person to you. Kaya hinihiling ko sayo na pakawalan mo si Gray."
"Tita." Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sakin saka tumayo. "You don't have to beg, tulad nga ng sinabi nyo na nakapili na si Gray. Kaya po wala narin akong dahilan para hindi yun tanggapin." Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Pasensya na po kung wala akong yaman na katulad kay Kisses, pasensya na po kung wala akong magagawa para tulungan kayo ss kompanya nyo. Mahal ko po si Gray pero kung yan po ang makakabuti sa lahat, umasa po kayong maiintindihan ko."
Sabay ng pagtalikod ko sa kanya ang pagbagsak ng mga traydor kong luha.
Mabuti na lang at wala na ako sa harap nya bago yun tumulo. Pagdating ko sa kwarto agad kong sinara yung pinto, napaupo na lang ako sa sahig at dun umiyak.Akala ko wala nang luha sa mga mata ko dahil narin sa maraming beses na akong umiyak. Pero mali ako dahil kahit anong gawin ko hindi ko parin kayang pigilan ang gustong lumabas sa mga mata ko.
Mahalaga ba talaga sa kanila ang yaman at sasabihin ng ibang tao? Di ba pwdeng magmahal kahit hindi parehas ang antas ng pamumuhay? Bakit meron mga taong pinipili ang karangyaan kesa sa tunay na pagmamahal?
Hindi ko kasalanan maging mahirap pero hindi ko kailanman ikakahiya kung anong pamumuhay ang meron ang pamilya ko. Siguro nga hindi kame ang nararapat, kaya mas mabuting tanggapin ang katotohanan na may mga taong hindi nakatakda para sayo.
TBC...
VOTE&COMMENT&SHARE.
THANK YOU.@MisReika
BINABASA MO ANG
Firts LOVE(MarVoree)
FanfictionGaano man kasaya o kahirap tanggapin ang nakaraan, mananatili parin matapang si Kitty sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Lumipas ang maraming taon, naghilom kaya ang sugat ng kahapon? O sa pagbabalik ng lalaki sa kasalukuyan, mabubuksan muli ang ka...