Chapter 15

145 10 1
                                    


      KITTY

"HHWW, Bessy?" Sabi sakin ni Heaven nang makalapit na sila samin ni Gray.

Nakita pala nya kame, umalis naman si Gray dahil nagpapalit sya ng token. Mukhang gusto talaga nya magpa impressed sakin, para makuha yung Necklace.

"Hinila nya ako bigla eh." Sagot ko, pero ngumisi lang sya ng nakakaloko.

"Ay, sus. Nagpahila ka naman?"

Ano naman bang sinasabi ng babaeng to? Minsan supportive, minsan ganyan ang ugali nya. Hindi ko na talaga sya maintindihan.

"Ewan ko sayo," naiinis kong sabi sa kanya at tinwanan nya lang ako.

"Bessy, bilis mo talaga maasar. Hahha ang sweet nyo nga eh." Kinikilig nyang sabi.

Hindi ko na lang sya pinansin, bumalik narin si Gray, nilapitan nya si Edward at meron syang binulong sa kanya.

"Bessy, what are they doing?"

"Maglalaro sila, samahan mo kaya. Imbes tanong ka ng tanong."

"Sungit mo naman. Di bagay sayo. Hahhhaa."

Seryosong naglaro si Gray at Edward ng Basketball, nakaupo naman kame ni Heaven sa bench na malapit sa kanila. Makikita mo tlagang nageenjoy sila sa gingawa nila.

Napapacheer pa nga si Heaven,basta tira lang sila ng tira. Di nila alintana yung mga ticket na lumalabas sa machine. Sa sobrang ingay ni Heaven dun ko napansin na marami narin nanunuod sa kanila.

Hindi ko maiwasan matuwa, hindi ko alam pero seryoso na yata tlaga si Gray na ipakita ang totoong nararamdaman nya para sakin. Napapangiti na lang ako kapag napapatingin sya sakin, para bang kailangan nya akong makita para magpatuloy sya sa paglalaro.

"Bessy, ang dame na nang ticket nila? Wala pa ba silang balak tumigi!?" Tanong ni Heaven na tumayo na.

"4000 tickets pa ang kailangan eh."

"What do you mean?"

"Naalala mo yung Necklace na gusto natin mapanalunan before.? Gusto kasi ni Gray yun makuha para sakin." Masiglang paliwanag ko. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nya.

"OMG. For real?" Npahawak pa sya sa kanyang dibdib. OA lang talaga sya minsan. Ay hindi. As always. Hahaa

Tumango lang ako bilang sagot.

"Bakit hindi mo sinabi sakin agad?"

"Bakit naman?"

"Eh di sana tinulungan ko sila, ah wait may pagasa pa yan. Maglalaro din ako." Iniwan nya ako at lumapit kila Gray, hinulugan nya ang machine at saka sya naglaro kasabay nila.

Tumayo ako at lumapit sa kanila, dahil wala naman akong gingawa. Kinuha ko ang mga tickets at inipon ko, para bibilangin nalang mamaya.

"Kitty, Let me do it." Yumuko si Gray saka ako tinulungan magipon ng tickets. Naubos nya na pala yung token kaya si Heaven at Edward na lang ang naglalaro.

Nang maubos narin ang token nila Heaven, naupo sila at nagpahinga. Meron naman lumapit samin na staff at sya ang kumuha ng ibang tickets.

"Wooohh. Kapagod pero enjoy." Sigaw ni Heaven ng makaupo sya sa bench.
  "Aren't you enjoying? Edward?" Baling nya dito ng umupo sa tabi nya.

"Yeah. Its more fun in Philippines." Nakangiting sagot nito.

Pagkabigay namin ng tickets sa counter, nagpaalam ako kay Gray na bibili ng bottled water sa kanila. Gusto pa sana nya ako samahan kaso sabi ko, hintayin nya na lang results kung ilan yung tickets ang nakuha nila.

Firts LOVE(MarVoree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon