KITTY
"Ateeee." Sigaw ni Angel sakin nang maabutan nya akong nasa computer. Meron kasi syang ginagawang requirements yata sa darating na pasukan. At dahil umalis sya saglit, inunahan ko sya.
"Ate Kitty naman eh." Pagmamaktol nya sa harap ko. "Nauna ako jan eh, mamaya ka na lang."
"Saglit lang to, Angel." Sabi ko pero hindi sya umalis sa tabi ko. Nakatingin lang sya sa screen ng computer.
Curious talaga sa pagkatao ng Kisses na yun, kaya nagsearch ako tungkol sa kanya. Hindi ako insecure. Curious lang tlaga.
Hindi sya mahirap hanapin, kasi nakita ko ang agad ang account nya. Kisses Delavin is the only child of Delavin Family in Rome Italy. Isa ang pamilya nila sa malalaking kompanya sa Rome. Meron mga chains hotel at mga groceries all over to Italy.
Ganun pala tlaga sya kayaman. Grabe naman pala, kaya siguro ganun sya kumilos. Kasi sanay syang nakukuha ang lahat ng gusto nya.
Hindi ko alam ang storya sa likod nilang dalawa ni Gray. Sa nakikita ko kasi gusto ni Kisses si Gray, pero hindi ko rin maipaliwanag kung ganun din ba sa kanya si Gray. Magulo talaga.
"Ang ganda nya noh? Ate?" Sabi ni ANGEL. medyo nagulat pa ako dahil hindi pa pala sya umalis sa tabi ko.
"Mas maganda sakin?" Hindi ko alam kung san ako kumuha ng kapal ng mukha para itanong yun sa kapatid ko. Obvious naman kasi ang sagot.
"Magkkaiba tayo ng paniniwala o aspeto pagdating sa maganda." Seryosong sagot nya. "Maganda sya sa aspetong karangyaan, ikaw Ate maganda ka sa aspetong kasimplihan. Hindi mo dapat ikompara ang sarili mo kahit kanino. Dahil ang totoong maganda, wala sa labas na kaanyuan, kundi nasa mabuting kalooban." Wow as in Wow. Hindi ko naimagine na nasabi ni Angel ang ganung kaalaman.
Speechless ako dun ah.
"Kaya tumabi ka na jan at hindi pa ako tapos." Tinabig nya ako saka sya umupo ng mabilis sa harap ng computer.
Wala na akong nagawa, pumunta na lang ako sa labas. Tama si Angel marami ang klase ng kagandahan. Hindi ka man maganda atleast bawi naman sa ugali diba?
Wala akong magawa ngayon, kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Nasa gym si Heaven kasama si Christian, hindi ako sumama sa kanila dahil malamang kasama nun sila Kisses.
Mabuti naman at hindi nila ako pinilit, kaya ko naman tumagal magisa. Wag lang makita silang magkasama.
Hapon na ngayon at di na gaano mainit, pupunta na lang ako sa Park o kaya man sa cover court.
Dumaan ako sa CC pero walang tao, kaya dun na lang ako sa park pupunta. Nrinig ko naman tumunog ang phone ko, kinuha ko yun sa bulsa at binasa ang mssg ni Heaven.
"Gray not here. Magkasama kayo?"
Yan ang mssg nya sakin. Purkit wala dun si Gray kasama ko na agad?"No." Sagot ko. Binulsa ko yung phone saka umupo sa isang bench dito sa park.
I can imagine myself to fell inlove the person doesn't love me back. Magulo kasi eh, minsan nararamdaman ko na totoo sya. Minsan naman hindi kaya hindi ko talaga sya maintindihan.
"Ate para sayo." Nakita ko ang isang bata na may dalang ice cream at inabot sakin.
"Sakin?" Takang tanong ko.
"Opo." Kinuha ko yung ice cream kasi baka nangawit na sya. Pero tatanungin ko pa sana kung bakit nya ako binigyan, kaya lang bigla syang tumakbo.
Ang wierd naman, mukha ba kong walang pambili ng ice cream. Wala naman sigurong lason to noh? At saka chocolate favorite ko pa talaga, kaya hindi ko to tatanggihan.
BINABASA MO ANG
Firts LOVE(MarVoree)
FanfictionGaano man kasaya o kahirap tanggapin ang nakaraan, mananatili parin matapang si Kitty sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Lumipas ang maraming taon, naghilom kaya ang sugat ng kahapon? O sa pagbabalik ng lalaki sa kasalukuyan, mabubuksan muli ang ka...