Chapter 20

157 6 0
                                    


KITTY

Nagising ako sa maliwanag na kwarto, naramdaman kong hindi ako nagiisa.

Naalala ko yung huling nangyari, nawalan ako ng malay dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. At nakita ko si Gray bago ako muli makatulog.

Pero this time hindi si Gray ang nakita ko sa muling magdilat ng aking mata.

"How's your feeling? Nag-alala kame sayo." Mahinahong sabi ni Christian. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Medyo maayos na." Mahina kong sagot. Gusto ko pa sanang itanong kung nasan si Gray nang pumasok si Heaven.

"Oh my ghad, bessy. Mabuti at gising ka na? May masakit pa ba sayo?" Nagaalalang tanong nya..

Nandito sila ngayong dalawa sa tabi ko, hindi ko alam kung ilang oras akong tulog pero atleast medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon.

"Anong nangyari?Kayo ba ang nakakita sakin sa labas?" Tanong ko.

"Yes, Bessy. After we been in Mall dumiretso kame dito to see you. Tapos nakita na lang namin na nsa sahig ka." Paliwanag nya.

"Ang taas ng lagnat mo, kaya buti na lang dumating kame para kahit papano may mag-asikaso sayo." Sabi naman ni Christian.

"Ilang oras akong tulog?"

"Bessy. Umaga na. Nasa labas sila Tita at Angel naghahanda ng pagkain. Over fatigue ka kaya napahaba ang pahinga mo."

"You need take a rest as well, mas mabuti kung magkakkapagpahinga ka ng maayos." Sabi ni Christian.

Gusto ko sanang itanong si Gray pero pinanghihinaan ako ng loob. Hindi kaya imahinasyon ko lang na nakita ko sya sa tabi ko? Pero hindi eh. Kasi naramdaman ko yung pagtibok ng puso ko at alam kong nasa malapit lang sya.

Inayos ko ang sarili ko para lumabas, hindi naman ako iniwan ni Heaven. Paglabas namin inalalayan agad ako ni Mama para makaupo sa dining table.

"Kailangan mong kumain ng marami, pagkatapos uminom ng gamot ay magpahinga ka ulit." Sabi ni Mama saka ako naupo sa tabi ni Angel.

"Ate lovesick ba yan? Kasi hindi ko nakikita si Kuya Gray. Baka nagsakit ka kasi hindi mo sya nakikita." Nakangising sabi ni Angel sakin.

"Angel." Awat ni Mama saka sya umayos ng upo at hindi na sumagot.

"Kumain ka na, bessy. Mamaya nandito na yun si Gray." Nang napatingin ako sa kanya at kinindatan nya pa ako at nangaasar.

"Yes, something might happen kaya kailangan nyang umuwi." Si Christian naman ang sunod na nagsalita.

So? Hindi yun imahinasyon? Nandito nga si Gray at sya yung huli kong nakita bago ako makatulog. Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko pero masaya ako kasi alam kong hindi nya ako natiis. Kahit pa kung ano-anong bagay ang sinabi ko sa kanya.

Mabuti at meron akong mga kaibigan na katulad ni Heaven at Christian. Napkaswerte ko talaga sa kanila, habang kumakain kame. Kinuwento nila kung paano ako inasikaso ni Gray. Sympre kilig na kilig si Heaven habang nagkkwento, hindi daw umalis si Gray sa tabi ko hanggat hindi bumababa ang lagnat ko.

Parang na iimagine ko kung paano nya ako alagaan, napakawerte ng taong mamahalin ni Gray dahil napaka buti nyang tao.

Hindi ako naniniwala sa Love kasi marami akong nakikitang nasasaktan dahil dun. Nagsasakripisyo at merong lumalaban, merong din sumusuko na lang.

Until I met Gray. I hate him when from the start, pero nabago yun ng mga bagay na nagawa nya sakin.

Simula ng nakasama ko sya, lagi akong masaya. Minsan nga gusto ko bumagal ang oras kapag kasama ko sya. Para kasing nakukulangan ako.

Nahulog ako nang hindi sinasadya, nasaktan din ako ng hindi sinasadya. Pero hindi yun ang mahalaga dahil ng makilala ko sya, naranasan kong ngumiti at maging masaya pa.

What is love? Isn't Firts Love?

Pagkatapos kumain, hinatid na ulit ako ni Heaven sa kwarto.

"If you need something, tawagin mo lang ako. Nasa labas lang kame okay?" Inayos nya yung higaan ko saka ako inalalayan makahiga.

"Thank you, Heaven." Ngumiti naman sya sakin.

"Your very welcome, bessy." Lumabas narin sya, at naiwan na naman akong mag-Isa.

Naalala ko yung sinabi nila sakin kanina, yung effort na ginawa ni Gray para sakin. Paano mo hindi magugustuhan ang tulad nya?

Bukas ang unang araw ng pasukan, kaya kailangan kong gumaling ngayon. Medyo maayos narin naman ako eh, lalo na't magaling ang nag-alaga sakin.

Knock, knock.

"Bukas yan," sabi ko sa taong kumatok sa kwarto ko. Pagkabukas ng pinto hindi ko inaasahang si Gray ang makikita ko.

"Gray?" Maingat akong bumangon, nagmadali naman syang lumapit sakin para ala-layan ako. "Salmat."

"How are you?" Tanong nya, kinuha nya yung upuan saka umupo malapit sakin. "Aren't you feeling better?"

"Yup. Salmat pala sa ginawa mo, nasabi sakin nila Heaven na nandito ka at ikaw ang nag-asikaso sakin."

"Its alright, I am you're suitor after all." Nakangiti nyang sabi sakin.

Medyo nahiya ako sa sinabi nya, ibig bang sabihin nun hindi parin sya sumusuko kahit parang inalisan ko na sya ng pagasa?

Gray. Ano bang ginagawa mo?

"Tomorrow is the first day of school, are you sure to go for it?" He asked.

"Yes, Im okay. Kaya ko na, mas mabuti na ako ngayon kasi nandito ka." Omo yiehh ano ba yunh sinabi ko, nakita ko naman syang napangiti. Mas lalo akong nagulat ng hawakan nya yung kamay ko.

"Kitty." Seryosong tawag nya sakin at nakatingin sya sa mga mata ko. "From now on, I am always there by you. I say to you , but i didn't promise. I dont want you to hurt, even if I make mistake."

"Gray,"

"Kitty, si desidera che il ko. Ikaw I firtslove." Napangiti ako sa sinabi nya
kahit firstlove lang naintindihan ko.

(Hahahah. Natawa lang ako‹)
/Basa na ulit/^_^

"Gray ano bang sinasabi mo?"

"Si sono calotosamente accolti. Kitty tu sei bella." Nakangiti parin nyang sabi sakin.

"Gusto mo bang pag-aralan ko pa ang lenggwahe na yan para maintindihan kita?" Nakangiti ko ring sabi sa kanya. Tumayo sya saka ako inalalayan humiga.

"Just take a rest, dont worry Im staying here until you fell asleep." Nang makahiga ako, sumabit yung suot nyang bracelet sa buhok ko. "Oh Im sorry." Saka nya inayos para yun matanggal.

"Ang ganda ng bracelet mo." Komento ko dun, isa yung stainless na may nakaingrid nang pangalan nya.

"Really? Thank you." Inayos nya yung bracelet saka binuksan ang locked nun. "This is my lucky charm, from now on you are the one who owns it." Tutol pa sana ako ang kasa sinuot nya na yun sa wrist ko.

"Thank You, Gray."

"There is nothing, when you're happy. I am happiest the most."

Ngumiti ako bilang sagot, pagkatapos pinikit ko na ang mga mata ko. Sana sa paggising ko Gray nasa tabi parin kita. Nararamdaman ko ang tibok ng puso ko, sana hindi yun naririnig ni Gray.

Salamat kasi hindi mo ako iniwan.!

TBC...

Note:
Italian Language yung sinabi ni Gray.

Si desidera che il ko. Ikaw i firtslove.
Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang firtslove ko.

Si sono calotosamente accolti. Tu sei bella.
Ikaw ang pinamabait na nakilala ko.
Ang ganda mo.

Hahhaa yun na.
PAHINGE NG VOTES.GRAZIE.

VOTE&COMMENT.

@MisReika

Firts LOVE(MarVoree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon