KITTY
Practice game lang pero ang dame ng tao sa loob ng covercourt dito sa subdivision namin. Natuloy din ang balak nila Marcus na maglaro kalaban sila Gray at mga pinsan nito.
Sympre nakasuporta ako kila Gray samantalang nasa kabilang team si Heaven para suportahan ang boyfriend nya. Red Jersey ang kila Gray at Blue Jersey naman ang kila Marcus.
Then the games started, nakuha ni Gray ang unang puntos. Tuwang-tuwa naman akong nagtatalon tuwing nakakashoot si Gray o ang team nila.
I saw Heaven feel the same when Marcus got a score. Maganda ang laban dahil lahat sila magagaling."Hi." Bati sakin ng dalawang babae na bagong dating. "Pwde ba kameng umupo dito?"
"Sure." Sagot ko. Umupo silang dalawa sa bench na katabi ko. Nandito kasi ako sa team nila Gray, gusto kasi nyang nasa tabi nya ako.
Alam ko na kung sino sila kasi familiar talaga sila sakin. Si Kristine at Fenech yung pinsan ni Kisses na kasama nya noon sa School. Nagtataka naman ako kung bakit sila nandito, pero naalala ko na sinabi nga pala ni Heaven na nililigawan daw ni Christian yung Kristine. Kaya pala sila nandito para kay Christian.
"Kitty, right?" Napalingon ako kay Kristine nang narinig ko yung pangalan kong tinanong nya. "Kame yung pinsan ni Kisses, sorry nga pala sa nangyari dati." Sincere nyang sabi.
"Ahh, that was a lastime ago. Okay lang." Ngumiti naman ako sa kanila.
"I heard that you and Gray together, congrats pala." Ani Fenech na katabi ni Kristine, ngumiti naman ako sa kanya bilang sagot.
"Kisses is really happy now in Italy, well she is. Siguro narealized nya na hindi talaga si Gray ang para sa kanya, kaya nagpaubaya sya." Dagdag ni Kristine.
Kung ganun masaya rin ako para kay Kisses. Atleast ngayon parehas na silang kontento ni Gray kung anong meron sa kanila. Nakikinig lang ako sa kwento nila sakin, at sa tingin ko naman ay mabait sila.
Natapos ang laro at nanalo sila Gray, hindi naman yun naging big deal sa kalaban. Practice game lang yun, at alam naman nilang magaling ang Team Nila Gray lalo nat meron silang tinatawag na teamwork o teamcousin.
Nagpaalam narin sila Kristine, dumaan lang daw sila. Nakita ko naman ang pagsunod ni Christian sa kanila sa labas. Sa tingin ko talaga tama si Heaven, na may something sa kanilang dalawa.
Kumuha ako ng tubig sa may water jag na dala nila, nakita ko naman ang paglapit ni Gray. I was sat on the ground when he crossing his arms and raising my whole face. Umiwas ako pero mas malakas sya sakin eh, kaya nang matutumba na ako ay agad nya ako nayakap. Iba din talaga ang mga galawan ng paglalambing nya.
"I saw Kristine and Fenech here, may ginawa ba sila sayo?" Tanong nya nang makaupo kame sa bench. Ang cute nya sa headband kong suot nya.
Inabot ko naman sa kanya yung gatorade nya. "Maybe they got here because of Christian, wala naman silang ginawa o sinabing masama." Sagot ko at tumango lang sya.
Lumapit samin ang team nila Marcus, nakipaghigh five pa sila sa mga pinsan ni Gray. Nakita ko naman ang pagsimangot sa mukha ni Heaven. Ano naman kayang problema ng isang to ngayon?
"I saw you talking to Kristine nicely, nakalimutan mo na ba yung ginawa nila sayo?" Taas kilay nyang ssabi saka tumabi sakin. Nilapitan naman ni Gray yung mga team ni Marcus.
"Don't worry, hindi naman nila ako inaway this time." Sagot ko. "At nandito sila for Christian, hindi dahil sakin."
"Yes, I know." Irap parin nya sakin. "Pero ayoko talaga na nalalapit si Christian sa mga yun. Ewan ko ba, hindi ko lang sila gusto."
"Hays, forget it kung ano man yung nagawa nila noon. And we know that Kisses is the only one to involve that issue before, right?"
Sumang-ayon narin sya sa sinabi ko, pagkatapos ng usapan nila sabay-sabay na kameng lumabas ng court. Dala ni Gray yung sasakyan nya, naglakad naman yung iba kasi malapit lang naman eh. Kasama din ni Heaven si Marcus.
Nag-paalam narin si Christian na ihahatid nya sila Kristine. Kaya sumakay na ako ng sasakyan ni Gray. Hindi muna nya ako hinatid sa bahay, nagyaya kasi syang kumain ng pizza sa Yellow Cab kaya dun kame dumiretso.
"I heard from Kristine na masaya na daw ngayon si Kisses, ano bang pinagkaka-abalahan nya?" Tanong ko kay Gray nang makapasok na kame sa Yellow Cab. Sya narin ang nagbigay ng order.
"I dont think so, pero nag-aaral yata sya ng Culinary. She really likes cooking and eating that's why." Sagot nya.
"Good for her,"
Dumating na ang order namin at sabay kameng kumain. Hindi narin ako nagtanong ng tungkol kay Kisses, halata naman kay Gray na ayaw nya rin yun pag-usapan.
Napansin ko naman ang taong dumating at dumiretso sa counter. Nang mapalingon sya sakin tinanguan nya lang ako, ngumiti naman ako sa kanya pabalik.
"Who's tha guy, anyway?" Taas kilay na tanong ni Gray ng mapansin nyang nakatingin ako kay Aizan.
"He's Aizan Perez, med student. Actually classmate sya ni Christian." Sagot ko sa tanong nya, umiwas narin ako sa pagtingin kay Aizan. Baka kasi mapagmulan na naman ng selos.
"I don't like him, stay away from him." Hindi naman pagkagalit ang pagkasabi nya, mahinahon lang yun pero may konting tapang.
"You don't have to tell me, kasi yun ang ginagawa ko." Sarkastiko kong sagot sa kanya.
Napatingin sya sakin sa inasta ko, alam kong nagseselos sya. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang nya ako palayuin kay Aizan. Sya na nga nagsabi na hindi nya gusto eto, at para lang hindi kame mag-away sinusunod ko sya.
Hinawakan nya yung kamay kong nasa ibabaw ng mesa. "I'm sorry, I don't like seeing you to someone. Kaya sana naiintindihan mo ako?"
"Gray, ikaw ang mahal ko. Kaya kahit sino pang lumapit sakin, walang kaso yun dahil ikaw boyfriend ko."
"Thank you."
Naramdaman ko naman ang pagvvrate ng phone ko sa jacket na suot ko. Kinuha ko yun at sinagot ang tawag ni Christian.
"Christian?"
"Kitty, Gray with you?" Bigla naman ako nag-alala sa boses ni Christian.
"Yes, may problema ba?"
"I just trying to call him, pero walang sumasagot." Bumaling naman ako kay Gray na nakatingin rin sakin.
"Phone mo?" Tanong ko kay Gray.
"I was left in the car, why?" Sagot nya. Sinabi ko naman kay Christian na naiwan yung phone ni Gray sa sasakyan.
"I'll talk to him, pakibigay sa kanya ang telepono." Agad ko naman pinasa kay Gray ang telepono.
"Chris, what happened?" Sagot ni Gray nang makausap nya si Christian.
Base sa boses ni Christian parang may hindi magandang nangyari. Bigla naman lumakas ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam ang pinaguusapan nila, dahil hindi gaano nagsasalita si Gray. Binigay nya na sakin yung phone ko ng matapos sila mag-usap.
"Let's go, I'll bring you home." Tumayo si Gray saka ako inalalayan tumayo. Paglabas namin ng Yellow Cab walang imik si Gray.
"Gray, anong sabi ni Christian?" Tanong ko sa kanya ng makapasok na kame sa sasakyan.
"My Mom wants to talk to me." Kinuha nya yung phone nya sa drawer, kaso hindi nya nabuksan dahil lowbath. "Tawagan ko sya pag-uwi ko."
Agad narin kame umalis sa lugar na yun. Pagkahatid nya sakin sa tapat ng bahay, hindi na sya nag-abalang pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Nanibago naman ako, kaya ako na lang ang gumawa.
"Ingat, Gray. Text me if you got home." Tumango lang sya sakin saka sinarado ang pinto ng sasakyan.
Hindi pa ako nakakapasok sa bahay ng pinaandar nya na yung kotse nya. Wala akong idea sa nangyayari, pero may nagbago talaga kay Gray pagkatapos nya makausap si Christian.
"Ma, nandito na po ako."
TBC...
VOTE&COMMENT.
@MisReika
BINABASA MO ANG
Firts LOVE(MarVoree)
FanfictionGaano man kasaya o kahirap tanggapin ang nakaraan, mananatili parin matapang si Kitty sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Lumipas ang maraming taon, naghilom kaya ang sugat ng kahapon? O sa pagbabalik ng lalaki sa kasalukuyan, mabubuksan muli ang ka...