KITTY"Bessy?
"Heaven, wag ka muna maingay ngayon pwde." Walang gana kong sabi sa kanya nang makaupo na kame sa bench ng Team nila Marcus.
Hindi narin sya nagsalita, alam kong alam nya kung bakit ko yun ginawa. Nakita ko naman ang itsura ni Gray nang talikuran ko sya kanina, feeling ko tuloy ang sama sama ko na.
Nagsimula ang laro, una pa lang wala na akong gana manuod. Kaya kahit ngayon hindi ko makitaan ang sarili kong nageenjoy sa ginagawa ko.
Everything was a perfect, the basketball team, the cheerer and the audience.
But suddenly, hindi ko makita ang sarili ko sa posisyon na meron ako ngayon. Nasa malayo ang isip ko pero nasa kanya ang paningin ko.
Nagpatuloy lang sya sa paglalaro, pa minsan-minsan nakikita ko ang pagtingin nya sakin. Umiiwas ako sa mga tingin nya, baka kasi hindi ko kayanin at bigla ko na lang syang yakapin.
Masakit Gray. Masakit ang ginagawa mo. Akala ko ba kaya mong patunayan ang feelings na meron ka? Bakit napakadali lang yun sabihin? Bakit napakahirap gawin?
"Bessy, ayos ka lang?" Tanong nya, napatingin naman ako sa kanya ng pagtataka.
"Bakit?"
"Kanina ka pa walang imik jan eh. Kala ko ba iccheer mo si Marcus?"
"Why would I? Ikaw ang Girlfriend, di ikaw ang magcheer." Inirapan ko sya saka bumalik sa panunuod.
"He's not my Boyfriend, ahh what I mean is not yet." Kinikilig nyang sagot.
"Sus, hindi pa kayo nyan ah? Grabe ka makacheer."
"Eh bakit ba sakin ang topic." Seryoso syang humarap sakin. "Isn't you way to avoid him?" Alam kong si Gray ang tinutukoy nya.
Well, Obviously akala ko alam na nya.
Kailangan ko ba talagang gawin yun? Bakit napakarami kong tanong na hindi ko makuha ang sagot.
Una pa lang hindi ko na gusto ang presensya nya, pangalawa hindi ko yun naiwasan dahil palagi syang nanjan. Pangatlo siguro tama si Heaven pinipilit ko nga syang iwasan.
"Heaven, kung ano ang nakikita mo. Sana wag ka na lang magtanong." Seryoso ko ring sagot.
"Bessy, I know naman. But my point is hindi mo sya maiiwasan palagi. So everytime na magkikita kayo ganun na lang?"
"Kung pwde nga lang, wag ko na syang makita eh. Akala mo ba madali tong gingawa ko? Nahihirapan din ako Heaven, pero pinipilit ko kasi yun ang alam kong tama."
"Tama? We didn't know what he's reason, but you can't avoid him no matter what you do."
Hindi ko na lang sya sinagot, baka kasi sa iba na naman mapuntahan tong paguusap namin. Kung maari nga lang na iwasan silang lahat eh, para kahit papano mabawasan ako ng isipin sa mga sitwasyon.
Natapos ang laro, natalo sila Gray na pinanghihinayangan nila ng lubos. Nakita ko naman na una palang wala ng gana maglaro si Gray. Hindi ko maiwsang sisihin ang sarili ko, dahil alam kong na apektuhan sya dun sa ginawa ko.
Pagkatapos ng batian nila, tumayo narin kame ni Heaven para umalis. Eto na naman ang kakaiba sakin kapag malapit ako sa kanya. Tama. Mahirap iwasan ang taong lagi nanjan.
"Hatid ko na kayo." Sabi ni Christian nang makalapit kame sa kanila.
"Kitty, Heaven, hindi nyo kame chineer. Talo tuloy kame. Hahha." Biro ng pinsan ni Christian.
BINABASA MO ANG
Firts LOVE(MarVoree)
FanfictionGaano man kasaya o kahirap tanggapin ang nakaraan, mananatili parin matapang si Kitty sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Lumipas ang maraming taon, naghilom kaya ang sugat ng kahapon? O sa pagbabalik ng lalaki sa kasalukuyan, mabubuksan muli ang ka...