Chapter 45

112 3 1
                                    


KITTY*

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Bumangon akong nakahawak sa masakit kong ulo. Argh!

Ang huling natatandaan ko yung pagkanta ko sa bar at pagbuhat sakin ng kung sino. Hindi ko na gaano maalala yung iba sa sobrang kalasingan ko.

Pinagmasdan ko ang kwarto kung nasan ako ngayon. Hindi gaano kalakihan mas malaki pa ang kwarto ko. Kompleto naman sya sa appliances, at may pinto na sa tingin ko ay banyo.

How I supposed to be wild lastnight? Nagawa ko talaga ang bagay na yun? Ganun ba talaga ang nagagaawa ng mga taong nasaktan katulad ko? Sa sobrang sakit ng nangyari samin halos hindi ko na makilala ang sarili ko.

Taas kilay kong napansin ang suot ko ngayon. Isang pajama set, kung ganun maaring nasa bahay ako ni Kristine.

Bumangon ako saka lumapit sa bintana ng kwarto. Nasilaw ako ng hawiin ko ang kurtina nito. Maganda ang hardin mula sa labas, parang nangaakit eto na puntahan ko.

"Gising ka na pala?"

Napalingon ako sa boses na hindi ko inaasahan. Ni hindi ko namalayan na nakapasok na sya sa loob.

"Aizan?"

Kung ganun si Aizan ang lalaking nagbuhat sakin kagabi. Buong akala ko sila Christian parin ang kasama ko. Dinala nya ako sa bahay nya?

"How are you feeling?" Lumapit sya sa may kama at binaba dun ang tray na hawak nya. "Kumain ka na, ihahatid na kita sa inyo."

Wait! Kung hindi ako nakauwi kagabi at dito nya ako hinatid? Ibig sabihin... Agad akong lumapit sa kanya.

"Aizan, kailangan ko nang umalis. Siguradong nag-aalala sakin ang mga kaibigan ko at si Mama."

Parang wala syang narinig sa sinabi ko. Hinawakan nya ako sa braso saka inalalayan makaupo sa kama.

"Just eat firts, then pagkatapos ihahatid kita."

Hindi pwde! Kailangan kong makauwi ngayon. Ano na lang sasabihin sakin ni Mama kapag nalaman nya ang nangyari sakin.

"Pero kasi--"

"Tumawag na ako sa mga kaibigan mo." Pagputol nya sa sasabihin ko. "I'll told them that you're fine, and don't worry about your Mama. Tumawag na si Heaven sa bahay nyo para sabihing dun ka matutulog sa kanila."

Kailangan pala tuloy nilang magsinungaling para sakin! Tulad ng sinabi nya kumain ako ng pagkain na dala nya. Kinuwento nya rin sakin yung nangyari kagabi kung paano nya ako nakita.

Kahit papano natutuwa ako kasi palaging dumadating si Aizan kapag nasa malungkot akong sitwasyon. At nagiging maayos ako kapag nasa tabi ko sya. Sa dami ng taong makakaintindi sakin, sya lang ang di ako kailanman susukuan.

"Kitty drink this after." Tinuro nya yung capsule malapit sa pagkain. "Hangover relief yan, makakatulong sayo."

After I was eaten. Binigay nya sakin yung damit na suot ko kagabi. Malinis na yun dahil pinalaba nya na daw sa katulong nila.

"Can I ask something?"

"What is it?"

"Sino yung nagbihis sakin?" Oh my ghad feeling mahihimatay ako sa kahihiyan sa pagtatanong. Obvious naman na hindi sya yun malamang may katulong nga sila diba.

Tumawa sya. "Do you wanna know, huh?" Inirapan ko sya saka naman sya tumawa.

"I hate you." Inis kong sabi sa kanya. Nakakahiya yung inasta ko pero parang nangaasar pa sya eh.

Firts LOVE(MarVoree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon