Chapter 16

161 12 0
                                    


KITTY

Pagkatapos nang nangyari kahapon, hindi talaga ako masyadong nakatulog. Hindi naman ako umiyak, pinigilan ko ang sarili kong gawin yun. Dahil walang dahilan para sayangin ko ang luha ko sa taong walang paninindigan.

Buong gabing si Gray lang ang inisip ko, paano nyang nasasabi na maniwala ako sa kanya kung sya mismo hindi yun mapatunayan.

Maayos na sana lahat eh, yung effort nya sobra nyang binigay. Pero hindi ko parin pala talaga sya maintindihan. Mabuti na lang at hindi ako iniwan ni Heaven, kahit puro sermon ang inabot ko sa kanya.

Flashback.

Pauwi na kame, nakasakay kame sa taxi pero hindi parin sya tumitigil sa galit nya.

"You know, what? I hate him. Paano nyang nagawa yun sayo?" Panimula nyang nakaharap sakin. "Pinansin ko pa ang ang ksweetan nya, nagcheer pa ako para sa inyo. Tapos ganun lang? Ganun lang wala syang sasabihin?" Sigaw nya, mabuti at hindi naiinis yung taxi driver sa ingay nya.

Hindi parin ako kumikibo, hinahayaan ko lang ilabas nya yung galit nya. Kasi kapag nagsalita ako, panigurado sakin ang sunod nyang mapapansin.

"At yung Kisses na yun, oh my ghad. She so malandi talaga. Bakit pinapanganak pa ang tulad nun? Parang ahas, ay hindi sawa pala." sabi pa nyang nakacrossarms.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, naiintindihan ko naman ang sinasabi nya. Kaso nasa malayo talaga ang isip ko, kahit ako wala rin maintindihan.

"Bessy." Natauhan ako ng tinawag nya ako. Hindi ko sya nilingon kaya niyakap nya ako sa likod. "Kaya pa?" Ano bang ibig nyang sabihin.

"Kakayanin." Mabilis kong sagot kahit hindi ko alam kung tama ba yung words na sinagot ko.

Firts LOVE(MarVoree)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon