CHAPTER 1 - PANCAKE

2.7K 64 10
                                    


CHAPTER 1

LUCKY'S POV

"Akin ka lang. Kapag bumalik yung ex mo sabihin mo may boyfriend ka ng saksakan ng gwapo kesa sa kanya." Nakititig lang ako habang nakikinig sa pagngalngal niya.

'Grabe mas isip bata pa pala to kesa sa pinsan niya.'

Napailing nalang ako at itinuon ko na lang ang paningin ko sa labas ng kotse niya. Napansin ko ang pamilyar na bulto ng katawan ni Jasper nakatayo malapit sa kanto ng bahay namin. Inaantay ako. Paano niya nalamang ngayon ang uwe ko?

'Pakdis night!'

"Ahh, speaking of the devil. Yun ata siya oh?" Seryosong turo ko sa labas ng bintana ng kotse niya.

"LUCKY NAMAN EH!" Pagmamaktol niya. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa kanya.

'Yan kung ano ano kasing kinukuda. Tch! Anyare sa be careful what you wish for mo na advice noon?'

"Anong malay ko 'bat nandito yan."

"Baka naman ka-text mo siya kaya alam niya ngayon ang uwe mo?" bakas ang pagdududa sa gwapong mukha niya.

"Hoy, makapamintang ka naman agad wagas. Hindi ko siya ka text ilang araw na."

"At talagang magkatext pa kayong dalawa until now?" Napasandal siya sa upuan niya at tumingala. "So anong ginagawa niyan ngayon dito?" Halos mag isang linya na ang kilay niya sa pagkakasalubong ng lingunin niya ulet ako.

"Chill, baka may sasabihin lang yan kaya yan nandito. May ugali kasi yang basta basta nalang sumusulpot."

"Pwes, ngayon hindi na niya pwedeng gawin yan dahil mag on na tayo!" Singhal niya at sabay hampas sa manibela.

Para akong kinikiliti ng feathers sa tenga sa sinabi niya.

'Maygad! Ang sarap gawing ringtone nung sinabi niya. Hindi ko alam na sobrang seloso pala nitong ungas na to.'

"Sige na mauna kana. Kakausapin ko lang siya saglit tapos uuwe na ako agad, promise." Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.

"Ayaw, ihahatid na kita para makita niya kung sinong binabangga niya." Galit na usal niya at binuksan ang pinto ng kotse niya. Isa isa niyang inilabas ang mga gamit ko sa compartment kaya napilitan na akong lumabas at sundan siya.

"Sige na kaya ko na to peksman." Pagtataboy ko.

"Bakit ba kating kati kanang paalisin ako?" Bitbit niya ang Doraemon kong bag, magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa kinatatayuan ni Jasper.

'Ginoo kailangan talaga holding hands pa? Pagtatawanan ako sigurado ni Jasper.'

"YumYum?!" excited na bungad ni Jasper ng makitang papalapit ako.

Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya ang pagiging maligalig niya parang si Wesley. He always smile with his eyes. Napakalakas ng dating nun para sa akin o kahit sa iba. He's irresistible charm makes a lot of girls go crazy over him.

"YumYum my foot!" tiim bagang na usal ni Kenneth sa tabi ko. Lalo tuloy humigpit ang paghawak niya sa kamay ko.

"Hey, Jas." Napapakagat na lang ako sa lower lip ko para hindi ako mahalatang excited.

Palitan ang tingin niya sa amin ng Kenneth at ng mabaling ang tingin sa magkahawak naming kamay tumaas kaagad ang isang kilay niya. Sa isang iglap hindi ko na mabasa ang iniisip niya dahil naging blangko kaagad ang itsura niya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon