CHAPTER 26 - BANG BANG

1.5K 77 30
                                    



KENNETH ANG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KENNETH ANG


PANAWAGAN:

Kung sino mang nakakakilala sa kanila. "HI" daw sabi ni LUCKY GONZAGA!

@TakeIt_Izzy
@mari_DevilDancer88
@SebastianKuroshitsuj
@fuckyou2196
@KimverahyunMimiII
@GraceSalvador1
@missmerrella_minam
@JovieMaravilla  


CHAPTER 26 – FOUNDATION DAY CONCERT PARTY

KENNETH'S POV

Laking gulat ko at ng mga ka team ko ng kumatok at makitang pumasok si Kuya Jiggs sa loob boys locker room. Akala ko namamalik mata lang ako sa nakita. Maging si Coach hindi maitago ang pagkabigla at pagiging masaya ng dalawin siya ng pinaka paboritong player niya sa buong career niya ng pagku coach ng basketball sa academy.

"Bro, hindi ko alam na kakilala mo pala si Jiggen Gonzaga?" Nilapitan ako ni Steffano at Brian habang abala sila coach at ang ilan sa pakikipag usap kay Kuya Jiggs.

"Ahh-- Oo i met him once. Nagulat nga din ako ng malaman kong kapatid siya ni Lucky." Napapakamot sa ulong kwento ko at mukhang napaniwala ko naman sila.

'Kung alam niyo lang ang pinagdaanan ko bago ko malamang magkapatid pala sila at hindi isa sa mga lalake ni Gonzaga. Tch!'

"Walang duda kaya pala pareho silang magaling pagdating sa bola." Napapailing na sagot ni Steffano at titig na titig sa likod ni Kuya Jiggs. Napalunok ako bigla sa sinabi niya.

'Magaling talaga. Lalo na si Lucky kahit anong bola ata napapaikot niya. Hahaha!'

'Bad Kenneth! Ibang bola ang nasa isip mo ungas!'

"Magkapatid nga sila kasi pareho silang sikat sa Carlisle. Ang balita ko hindi ipinagpatuloy ng kapatid ni Lucky ang paglalaro sa NCAA nung college pa siya dahil nag focus siya sa pag aaral." Maikling kwento ni Brian at napalingon kami ni Steffano ng may halong pagtataka.

"Naaay, sa sobrang pagka inlove mo kay Gonzaga pati ba naman kapatid niya ini-stalk mo pa?" At binatukan siya ni Steffano at napatawa naman ako sa reaction ni Brian.

"Gago! Nabalita yun noon palibhasa puro porn pinapanuod mo at hindi ka nanunuod ng balita!" At hinampas siya ni Brian sa braso.

"Lul, dami mong sinasabi mo. Siguro kaya inun-friend ni Gonzaga dahil sa pagiging stalker mo." Banat ni Steffano at pinandilatan siya ni Brian.

"Atleast nakikita ko parin mga post niya kasi naka follow ako sa account niya. Eh ikaw naka block ka! Nalaman siguro Lucky na babaero ka! Hahahahaha!" At sinabayan ko siya ng tawa.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon