CHAPTER 28 - MARIO AND LUIGI

1.4K 73 32
                                    



LUCKY GONZAGA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUCKY GONZAGA


CHAPTER 28 

LUCKY'S POV

Magdamag akong hindi makatulog kakaisip ng offer ni Kenneth. Paikot ikot lang ako sa kama at hindi ako mapakali. Hindi solusyon yung bagay na gusto niya para justify ang katwiran at gusto niya.

Bakit ba kasi ang pilit pilit niya sa bagay na yun? Ikadadagdag ba ng pagiging magandang lalake niya kapag siya ang makauna? Hindi sapat na rason ang pagpayag ko sa kagustuhan niya para patunayan lang ang pagmamahal ko. Hindi batayan ang sex sa lahat ng bagay para mapatunayan ang pagmamahalan ng isang tao.

Maraming paraan basta marunong kang makinig at may tiwala ka sa ka partner mo. Ang malungkot wala siya nung dalawang bagay na nabanggit. Sarado ang utak niya gusto niyang parati siyang nasusunod. Katwiran niya siya ang lalake.

'Kingenangyan! Lalake din naman ako ah? So dapat pantay ang karapatan namin!'

Masiyado siyang mainit. I mean literally hot when it comes to sex matters. Nangingibabaw ang curiosity niya na ma explore ang iba pang larangan pagdating sa sex.

Hindi ako handa sa bagay na yun noon pa. Matagal din naming pinagtalunan yun ni Jasper at aaminin kong muntik muntikan na akong bumigay sa kanya noon. Oo, malandi na ako sa paningin ng iba pero ito lang ang bagay na maipagmamalaki ko sa sarili ko. Proud ako sa bagay na yun. Hindi ako atat na ma experience ang bagay na yun. Maraming alternatibo basta may kontrol ka sa sarili mo.

I'm certified VIRGIN! Isang bagay na ipinagmamalaki ko.

'I'M LUCKY THE VIRGIN!'

Kung ibang tao o babae siguro ang nasa posisyon ko baka hindi sila magdalawang isip na bumigay sa kanya. Jusmiyo, si Kenneth Ang ata yun. Mapalingon nga lang siya sa mga babae sa campus nagrarambulan na sila. What more kung yayain pa sila sa bagay na yun?

Masiyadong malakas ang dating niya dahil sa pagiging mysterious at snobbish na peg niya. Kahit ako aminadong nadala sa mga ganung arte niya. Pero kapag nakilala nila ang tunay na Kenneth James Ang baka sila na ang sumuko sa katigasan ng ulo niya. Mapataas man o mapa baba.

Nakatulugan ko nalang ang pag aantay sa tawag at text niya. Hanggang pag gising ko wala parin talaga kahit isa. Nganga si Inday.

Bumangon ako ng mabigat parin ang dibdib dahil sa pag iisip at pag aalala kung hanggang saan aabot ang pagtatampururot niya.

Wala sa sariling bumangon ako. Walang ayos ayos sa sarili at lumabas ng kwarto. Nangangamot pa ako ng ulo pagpasok sa maaliwalas naming sala.

"GOOD MORNING LUCKY!" Masiglang bati ng lalakeng naka stripe long sleeve polo shirt at may panloob na white printed T-shirt.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon