CHAPTER 40 – 2
ANDI'S POV
Gutom na ako. Gutom na gutom. Kanina na pa nagsimula ang reception at kanina padin ako naglalaway sa mga pagkaeng hinahaen ng mga waiter sa bawat mesa. Ginugutom nila kaming lima simula pa kanina dahil wala kaming hinto sa pagtugtog habang nagpapakasasa silang lahat sa masasarap na mga putahe sa bawat mesa.
Mukhang nakalimutan ata ng mga kamag anak ni Kenneth na kasalan itong pinuntuhan nila at hindi ito pa concert nila Grandma Estella at Grandpa Raymond. O nakalimutan na din nilang guest din kami dito? Kamote fries! Kahit man lang balat nung malayong kamag anak kong letchon di man lang kami maabunan.
Hindi ko naman pwedeng isisi kay Lucky kung bakit kami nandito sa mini stage ngayon at yung ibang bisita kumakaen na sa mga mesa nila. Impress na impress kasi silang lahat kanina sa napakataas na version ni Lucky ng On The Wings Of Love. Sa sobrang taas muntik ng magsiahon ang mga sirena sa dagat kanina para kidnapin siya. Kempet!
Ngayon ito kami ngayong lima sa harap walang humpay na nag e-entertain ng mga bisita. Inaantay ko na nga lang na may mag abot ng papel o tissue para sa mga request nilang mga kana e. Pisti!
Hindi ko maintindihan saksakan naman ng yaman ang angkan na ito bakit hindi sila kumuha ng sound system o live band kung gusto nilang makinig ng musika. Panay lang ang sigaw nila ng MORE bawat kantang natatapos namin. MORE! MORE! Mga MORET sila.
Alam ba nilang bisita din kami dito? Alam ba nilang masama akong ginugutom dahil kapag gutom ako kaya kong lunukin ng walang kahirap hirap ang lahat ng mga gwapong apo ni Lolo Raymond. Si Skye ang pinaka bet ko ang pogi pogi niya ang handa akong magpa alipin sa kanya, babayaran ko pa siya. Aw!
Maygad, hindi por que mataba ako hindi na ako makakaramdamn ng gutom.
Naalala ko lang mga seshie, wala sa usapan namin nila Kenneth na sagot din namin ang pagpapatawa sa mga bisita nila bukod sa libreng pa concert ni Lucky at Bonnie. Hagardo Versosa ang peg ng dalawa nakakapahinga nga lang yung dalawa kapag sumi-segway kami ni Marlon ng comedic act para maaliw namin sila.
"How are you guys doing so far?" malakas na sigaw ko sa mic pamamlastik ko sa mga sadistang audience namin. Taray diba ume-english me, alam niyo na mga richie-rich ang mga audience kailangang magpakitang gilas kahit na kakaurat na sa pagoda.
"GREAT!" sabay sabay ng sagot ng mga nasa audience. Dapat lang mga haliparot kayo sitting pretty lang kayo diyan with matching early dinner samantalang ako mukhang nakalimutan ko na ata ang lasa ng kanin sa sobrang gutom.
"Bago ko po makalimutan ipapa alala ko lang din po sa wedding organizer ng kasalang ito na isa po kami sa invited guest sa kasalang ito, hindi po kami parte ng sound sytem." Pabirong sambit ko pero sa loob loob seryoso ako dahil sinasamantala ng baklang wedding coordinator na yun ang talent naming magkakaibigan ng wala man lang kapalit na talent fee. Kaloka siya! Ang bakla sitting pretty lang sa isang mesa habang sumisimsim ng Champagne. Sarap basagin ng basong hawak niya bago itarak sa leeg nito. "Hindi po ito gig ng kaibigan ko at wala po siyang planong maging singer sa future of sa susunod niya pang mga buhay." Narinig kong natawa ang mga alta naming audience sa biro ko maging si Lucky at Bonnie sa bandang likod nakitawa nadin.
"And its such a great pleasure that we're get invited and to witnessed this wonderful celebration ses." Very thankful na usal ni Marlon. "Wow. Ano sa tingin mo ang sekreto nila ses Andi? Golden Wedding Anniversary? Oh c'mon hindi lahat nakakapag celebrate ng ganitong okasyon." pang uusisa niya pa. Hanep sumegway simpleng tsismosa ang peg.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...