CHAPTER 57 - HE-WHO-MUST-NOT-BE-NAMED

1.8K 64 40
                                    


LUKE JAMES ANG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUKE JAMES ANG

CHAPTER 57 

KENNETH'S POV

"Luke your Ate Melba says you ran away again last night while she was buying you something at the mall." Napalingon ako kay dad bago ko nilingon si Luke na biglang napayuko sa kinakaen ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Sorry grampa daddy." Mahinang sagot niya at hindi makatingin ng derecho kay dad. "I was playing The Flash last night that's why i ran so fast." Napapangiting kwento niya pa. Loko lokong bata kahit kailan palagi nalang pinapahirapan ang Ate Melba niya.

"Apo huwag mo ng uulitin yun baka mawala ka sa mall. Gusto mo bang mag worry ang daddy mo sayo?" Nag aalalang sagot ni grandma na ikinahaba ng nguso ni Luke.

"No great gramma.." Malungkot na sagot niya. "My dad was late again last night ." Natigilan ako sa pagnguya ng mabaling saken ang atensiyon nilang apat. Pasimple kong pinandilatan si Luke sa tabi ni daddy. Loko 'to nakuha pa akong ilaglag sa harap nila. Kasalanan ko bang malala ang traffic sa Edsa?

"Kenneth pinag antay mo na naman ba ang apo ko sa mall kagabe?" Nanunukat na tanong ni grandma at nakakaasar ang sunod sunod na pagtango ni Luke habang kumakaen. Humanda ka talaga saken mamaya!

"I was 30 minutes late grandma alam niyo naman kung gaano ka traffic sa Edsa." Depensa ko sa kanila ngunit mukhang hindi nila kinagat ang alibi ko. Alam kong si Luke ang papabaruan nilang lahat.

"AHEERM.." Malakas na napatikhim si grandpa bago damputin ang tea cup niya. Ang totoo na late talaga ako dahil may dinner date akong pinuntahan. Sigh.

"Dad, next time learn how to drive faster so you won't be late again!" taas noong suhestiyon ni Luke habang naglalagay ng chocolate syrup sa pan cake niya. Natatawa naman si grandma habang pinupunasan ng table napkin ang bibig ni Luke.

"Same with you young man!" sabat ni daddy kaya napanguso si Luke. Pasimple at mabilis akong dumila para asarin siya at pinandilatan niya ako sa gulat. "You will never ran away again from your Ate Melba, okay? You just have to ask her where you wanna go so she doesn't have to be worried again. Will you promise me that?" Mahinahong pangaral ni daddy. Gusto kong matawa sa kanilang dalawa, kay dad lang kasi takot si Luke pero kapag nginusuan na siya nito unang sumusuko si daddy sa apo.

"Yes grampa daddy i promise." halos umabot ang nguso niya sa noo at salubong ang kilay na nakatingin saken. Alam kong naiinis siya sa pang aasar ko sa kanya kanina. Bahagyang natawa si daddy sa itsura ng apo niya kaya hinagkan niya ito sa noo.

"So what did you do while waiting for your dad?" pag iiba ni daddy ng topic.

"I met a girl grampa daddy." Biglang nag shift sa pagiging masayahin si Luke. "And now she's my girlfriend." Bigla akong napaubo sa sinabi niya. Napakamot naman agad si dad sa ulo. Anong kalokohan na naman ba 'tong pinagsasasabi niya?

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon