CHAPTER 53 - PRIDE

946 55 7
                                    



CHAPTER 53 


JOI'S POV

***F L A S H B A C K***

"Good morning sweety!" Napakagat ako sa lower lips ko para itago ang kilig ng marinig ko ang napaka gwapong boses niya ngayong umaga. Ang lakas makapawi ng pagod na marinig mo ang boses ng taong mahal na mahal mo.

"Good morning honey--" Di ko na natapos ang pagbati dahil naunahan ako ng paghikab. Nakakahiya baka isipin niya tinatamad akong kausapin siya.

"How's my gorgeous doctor?" proud na tanong niya. Pumalakpak naman ang tenga ko.

"Exhausted hon, 12 hours akong naka duty ngayon lang ako nakapakatakas sa ER." Nanlalambot na ako sa pagod dahil kahit idlip hindi ko magawa sa dami ng pasiyente.

"Masiyado mong sinasagad ang katawan mo mamaya ikaw naman ang magkasakit niyan sweety." May halong pag aalalang sagot niya na ikinangiti ko.

"Marinig ko lang ang boses mo sapat na para mapawi ang pagod ko hon." Kagat labing sagot ko sa kanya na ikinatawa niya sa kabilang linya.

"Ang aga aga binubola mo naman ako sweety.."

"Baliw totoo yun!" napairap ako at natawa. "Off ko naman today matutulog ako maghapon pag uwe don't worry."

"Paano yung dinner date naten mamaya? Monthsary naten ngayon baka nakakalimutan mo?" May himig na pagtatampong sagot niya. Isang bagay na gustong gusto ko kay Jiggs hindi niya nakakalimutan ang mahahalagang okasiyon kagaya nito. Parehong pareho sila ni Kenneth dinaig pa nila ang mga babae. Tch!

"Anong oras ba out mo mamaya? Meet nalang tayo sa favorite restaurant mo para hindi kana maipit sa traffic para magsundo." Alok ko sa kanya. Sa Ortigas pa kasi siya manggagaling and by that time rush hour na.

"Huwag na susunduin parin kita mamaya sa inyo. Diyan na lang tayo maghanap ng makakainan malapit sa area niyo." Alam kong nakangiti siya ngayon dahil kapag pagkaen ang pinag uusapan hindi papahuli sa katakawan ang boyfriend ko. Nasanay na siguro sa masasarap na mga luto ni Tita Jack.

"Okay!" Mabilis na sang ayon ko. "I'll talk to you later idadaan ko kasi itong mga reports ko sa office bago ako umuwe." Paalam ko. Gusto ko naring makauwe bago pa maubos ang energy ko.

"See you later gorgeous, i love you!" natatawang sagot niya.

"I love you too, bye for now." Ipinasok ko ang cellphone ko sa bulsa. Mabilis kong inaayos ang mga gamit ko. Pabalik na ako galing sa office ng maisip kong dumaan sa clinic ng kaibigan kong Obgyne doctor. Ayayain ko siyang mag coffee bago ako umuwe. Maaga pa naman at alam kong mamaya pa ang duty niya.

Pagbukas ko ng pinto muntik ko ng makabanggaan ang isang dalagang papalabas.

"Oh! That's her!" Gulat akong napatingin kay Doc Kathy ang friend kong Obgyne habang nakaturo saken. Whoa, what's wrong with her? Agad napayuko ang dalagang nasa harap ko ng magtama ang mata namin. Nagtataka namang nagpalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Doc Joi buti napadaan ka ipapa page na sana kita ngayon e." Tumayo siya at lumapit sa amin sa pinto. "May gusto akong ipakilala sayong patient. This is Chen." Pakilala nito sa magandang babae ngunit mukhang mahiyain. "And Chen this is Doctor Joi Luciane Ang." Automatic akong napangiti at nakipag kamay sa kanya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon