CHAPTER 6
KENNETH'S POV
Two days na akong wala sa mood. Wala akong ganang kumilos o gawin yung mga bagay na kinagawian ko. Mabuti na lang postpone ang basketball practice dahil sa nalalapit na masquerade party at foundation day. Dahil kung hindi malilintikan ako kay coach.
Kasalanan 'to lahat ni Lucky. Masiyado niyang inuukupa ang isipan ko nitong mga nakalipas na araw. Parang akong nakikipag laro ng basketball sa limang lalake niya at si Lucky yung bola. Kung sino ang magaling siya ang makaka steal sa kanya.
Kaya ko nga ba siyang agawin sa kanila katulad ng madalas kong ginagawa sa bola kapag inaagaw ko sa court? Sa ngayon wala akong sapat at ganang makipag agawan sa kanila dahil unang una, akin siya. Hindi ako nakipag agawan sa kanila, kusang ipinasa ang bola sa akin at ako ang unang naka shoot sa kanya.
Pero paano ko siya magagawang agawin ngayon kung siya mismo ayaw ng magpa agaw sa akin?
Pero nung isang araw kusa na akong bumitaw sa kanya. Hindi ko ipinaglaban yung chance nung naipasa siya. Ngayon tambak ako at lamang na yung iba.
But today I'm planning to see him. Gusto ko lang siyang makita kahit sa malayo. Makita ko lang siyang ngumiti o tumawa masaya na ako. Baka yun lang ang kailangan ko para magbago yung mood ko ng ilang araw ko ng iniinda.
Kahit na sobrang naiinis parin ako sa paglalandian nila ni Justin Kwon nung party ni Andi gusto ko pa rin siyang makita. Nagiging masokista na ako dahil sa kanya. Tch!
Habang naglalakad napapa tingin ako sa mga itinatayong booth sa iba't ibang parte ng campus. Pero isang booth ang nakaagaw ng attention ko. Sa dami ng nag uumpukan students dito lahat halos napapahinto sa tuwing dumadaan sa side na ito ng campus.
Papalapit pa lang ako narinig ko na ang nakaka iritang boses ni Mj na nangingibabaw sa ere.
'Psh, ano na naman kaya ang bagong drama nito?'
Huminto ako sa isang puno na malapit sa kanila. Gusto ko munang malaman kong anong meron at bakit sila dinadayo ng maraming tao.
Naisip kong mamaya ko na lang hahanapin si Lucky. Magdamag na siyang tumatakbo sa isip ko. I need some distraction.
Umikot lang ang mata ko paitaas dahil hindi ko na pala kailangang hanapin mamaya.
Dahil center of attraction ng lahat ng kamalasan ang taong hinahanap ko madali ko siyang nakita kasama ng mga kaibigan niya sa gitna mismo ng pinag kakaguluhan ng mga schoolmates ko.
'Hindi ba nagsasawa si MJ na makipagtalo sa grupong ito kahit alam niyang hindi naman siya nananalo?'
Ginawa silang katatawanan ni MJ sa harap ng lahat. Wala silang kalaban laban sa mga paninira at pamamahiya ni Mj. Nawalan ako ng ganang makinig sa away nila. Wala akong oras sa mga ganitong high school drama. Aalis na sana ako ng marinig kong sumagot si Lucky. Malat ang boses at hirap na hirap siyang magsalita.
'Whoaa, anong nangyari sa boses niya? Yan kasi alam na niyang masama ang pakiramdam niya kagabe naka apat na bote pa siya. Psh!'
Hindi ko alam kung maaawa o maiinis ako sa kanya. Pero nangingibabaw parin talaga yung inis ko kagabe pa. Masiyado nilang inubos ng koreanong yun ang pasensiya ko.
Pinaka masakit sa lahat ng makita kong paano niya halikan si Justin sa harap ko. Parang pinipiga ang puso ko sa ginawa niya. Hindi ako makapag reklamo dahil wala na naman kami. Kasalanan ko din naman nakipag hiwalay ako sa kanya tapos sinama ko pa si Amber sa party ni Andi.

BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...