CHAPTER 38 - "X" at "Y"

1.6K 63 13
                                    


CHAPTER 38 – 2 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 38 – 2 

LUCKY'S POV

"Wake up sleepy head.." naramdaman ko ang mainit na labi na dumampi sa noo ko. Hindi pamilyar ang amoy pero may nakakakiliting hatid ang pamilyar na boses niya.

Iminulat ko paunti unti ang mata ko at sinalubong ako ng matamis na ngiti ng isa sa mga taong parating nagpapangiti at nagpapasaya ng araw ko.

"W-Wesley." Hindi ko mapigilang mapangiti at mapayakap ng makita ko siya sa tabi ko. Ibinaba ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at sumandal sa headboard ng kama.

"I miss you wifey!" tumatawang sagot niya at parang batang isiniksik ang sarili sa loob ng kumot. I miss this lad. Hanggang nagyon hindi ko parin makalimutan na minsan kaming ikinasal sa Carlisle. Kahit kahit kasal kasalan lang yun tumatak yun sa isip ko. Atleast natupad yung pangarap kong makasal kahit fake lang.

Mahigit dalawang linggo ko nadin siyang hindi nakikita. Ang sabi ni Kenneth busy daw si Wesley sa kanila due to health issues ng daddy niya. Naintindihan ko naman yun madalas naman niya akong tawagan kapag may time siya.

"I miss you too hubby." At tuwang tuwa naman ang loko at itinakip pa ang kumot sa ulo namin pareho.

"W-WESLEY!" dinig kong sigaw ni Kenneth sa loob ng kwarto. Pakshet? Muntik ko ng makalimutan ang rabbit. Ibinaba ko ang kumot at nakita ko siyang salubong ang kilay at nakasandal sa pinto ng kwarto ko.

"Psh! Inaano ka ba?" natatawang sagot ni Wesley sa pinsan na lalong bumusangot ang mukha.

"Pwede mo namang kausapin si Lucky ng hindi naka kumot diba?" pabalang na sagot ni Kenneth. Isa pa 'tong Rabbit na 'to hanggang ngayon hindi pa ako nakaka move on sa huling atraso niya sa tuwing nakikita ko siya.

"Bakit may problema ka ba sa sweetness namin ni Lucky?" Mayabang na sagot ni Wesley. Umikot lang ang mata ko sa bangayan nilang mag pinsan. Parehong may tagas sa ulo ang nila malabong may mag tie sa kanila.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Ongpauco kanina kapa sa baba ah.." may pagbabanta sa boses ni Kenneth na ikinatuwid ng upo ni Wesley at sumandal din sa head board ng kama ko.

"Like i care dear cousin." pang aasar niya na ikina tiim ng magkabilang panga ni Kenneth dala ng inis.

"Baka nakakalimutan mo kung anong relasyon namin ni Lucky?" maypagbabantang paalala niya. Pumarada sa balintataw ko ang iba't ibang emoji's habang tumatalbog isa isa. Para akong nanuod ng nakakakilig na pelikula ni John Lloyd at Sarah G. Aherrm..

"Baka nakakalimutan mo ding ako ang inutasan ni Tita Nanay na gisingin si Lucky?"

"Psh, pati ba naman ang tawag ko kay Tita Nanay ginagaya mo narin?" bulong niya sa sarili bago umirap. Cute, sarap gawing pamato sa holen ang mata niya kakairap.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon