CHAPTER 63 - I'M SINGLE

1.6K 69 8
                                    


CHAPTER 63 - 2

KENNETH'S POV

I was ten minutes late when i arrived at the party. Nahirapan kasi akong takasan si Luke habang pinapatulog ko siya kanina. Halos magkasabay naman kaming dumating ni Lexie na siya ring partner ko ngayong gabi. Una naming nilapitan ang grandparents ko na abalang nakikipag usap sa mga business partners ni grandpa.

"Good evening grandma." Humalik ako sa pisngi niya at nagmano naman ako kay grandpa.

"Wala pa ang daddy mo akala ko naman magkasabay kayong darating ngayong gabi." Wika ni grandma at kaagad nagseryoso ang itsura ng makita kung sinong kasama ko.

"Grandma, Grandpa this is my friend Lexie Lopez." Pormal na pakilala ko sa kasama ko sa kanila.

"Good evening ma'am/sir its a pleasure to meet you." Mahinhing wika ni Lexie sa harap ng grandparents ko.

"Its a pleasure meeting you too iha." Nakangiting bati ni grandma at nakipag beso kay Lexie. Nakipag kamay naman sa kanya si Grandpa. Kinawayan ako ni Michael sa kabilang mesa kaya magalang akong nagpaalam sa grandparents ko.

"A friend? Are you kidding me Kenneth?" nakangiti pero nasa tono niya ang pagka inis dahil sa paraan ng pagpapakilala ko sa kanya kanina.

"Bakit may iba ka pabang inaasahan bukod dun?" sagot ko kaya bigla humigpit ang pagkaka kapit niya sa braso ko.

"W-Wala naman iniisip ko lang na sasabihin mo sa kanila na ako yung babaeng dine-date mo for almost two weeks." May himig na sarkasmong sagot niya. Hindi na ako sumagot dahil agad kaming nakarating sa mesa kung saan nag aantay si Michael at ibang kasama ko sa department ko.

Nalibang si Lexie sa mga taong lumalapit para batiin siya. Ito ang gusto niya ang maging center of attention. Hindi naman maikakaila ang sa angking kagandahan niya lahat ng lalake mapapalingon talaga sa kanya. Well bukod sa isa siyang beauty queen sa lahat ng mga babaeng nandirito ngayong gabi masasabi kong si Lexie ang pinaka angat sa kanila. She was invited because she's our newest endorser.

"Kenneth your dad is here." Bulong ng assistant at kaibigan kong si Michael kaya napa angat ako ng tingin. Umugong ang malakas na palakpakan habang naglalakad si dad sa gitna at ka-holding hands pa si Tita Nanay. Napangiti at napapalakpak ako kagaya ng mga kasama ko sa mesa ng nakita ko kung gaano kaganda at ka sexy ang ka date ni daddy.

Ang daya ni daddy hindi ko alam na si Tita Nanay pala ang ka date niya ngayon, kung alam ko lang sana kinulet ko rin si Lucky na maging date ko kahit alam kong imposible. Uupo na sana ako ng umugong pa ang malakas na palakpakan at bulung bulungan sa paligid. Nagsipagtayuan ang mga bisita at lahat nakatingin sa kung sino mang pumasok kasunod nila daddy.

"That's Lucky Gonzaga!" nakaturo at gulat na wika ni Michael sa tabi ko. Dun ko lang nakita ang pumasok sina Andi, Marlon kasama si Lucky. Ilang beses pa akong napakurap ng mata baka dinadaya lang ako ng paningin ko. Lucky wore her long blonde hair down and looking so gorgeous as ever. He walks confidently and gracefully like he's on a fashion show. Nainis lang ako ng kaunti dahil masiyadong revealing ang suot niya. Halos lumuwa na ang maputing dibdib niya.

Hindi ko mapigilan ang paghanga habang tinititigan ko siya. I miss him so badly. Tiniis kong huwag siyang makita at tawagan for a week dahil hindi ko pa naaayos ang problema ko with Lexie. Galit kaya siya? Madalas kong makita sa call log ng cellphone ni Luke na palgi silang mag kausap ng anak ko. Majority nun si Luke ang tumatawag sa kanya at tumatagal ng ilang oras ang pag uusap nila. Buti pa nga si Luke nakakausap siya pero ako hindi man lang niya ako maisip na tawagan.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon