CHAPTER 47 - LIKE FATHER, LIKE SON.

1.3K 56 10
                                    

CHAPTER 47 - 2


LUCKY'S POV

Napaiktad ako sa gulat ng biglang bumalikwas ng upo si Kenneth sa kama.

"Y-Yab bilisan mo ang dami ng missed call ni Ate." Isa isa niyang dinampot ang nagkalat na damit sa sahig. Bwesit na 'to ngayon mamadaliin ako nakitang nagpapalit ako ng damit eh.

"So kasalanan ko?"binato ko siya ng hinubad kong damit. "Tapos ngayon mamadaliin mo pa ako. Mga pautot mo Kenneth!" Singhal ko habang nasa loob pa ng t-shirt ang ulo ko. Tatawa tawa pa siya habang hindi magkanda ugaga sa pagsuot ng pants habang nakaupo sa kama.

"Yab naman huwag mo muna akong awayin, inaaway na nga ako ni Ate Joi oh!" lahad niya sa hawak na phone matapos kong maisuot ang puting tshirt ko. Mali, puting t-shirt niya pala. Pinagpalit palit pa kasi ako ng damit ng rabbit na 'to pero ang totoo may iba pala siyang plano. Tch!

"Bakit inaaway ba kita?" pagsusungit ko saka ko sinipat ang kabuuan ko sa harap ng salamin. "Sa susunod hindi na talaga ako magpapauto sayo." Dinutdot ko ang dibdib niya ng lapitan niya ako.

"Asus, parang hindi naman niya gusto." Pang aasar niya at inakap ako patalikod habang nag aayos pa ako sa harap ng malaking salamin sa loob ng kwarto niya.

"Bakit may nagagawa ba ako kahit na ayaw ko?" singhal ko at napabungisngis siya sa leeg ko. Harot harot ng rabbit na 'to.

"Wala! Kasalanan mo yan masiyado ka kasing nagpapa cute saken kaya adik na adik na ako sayo!" kinagat kagat niya ako sa balikat. Kinilig ako pero hindi na ako nagpahalata. Kung adik na adik siya, ano pa kaya ako? Bangag na bangag lang naman ako sa presensiya niya. Ewan ko pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong halikan siya sa tuwing magkasama kami kagaya ngayon.

"Naadik daw, Rabbit ka lang talaga kamo!" trinaydor ako ng tawa. Hinila niya ako at pinaupo sa lap niya.

"Totoo yun Yab. Kapag kasama kita wala akong ibang iniisip kundi ang halikan ka ng matagal na matagal." Nakakalasing ang mga titig niya. Grabe bai! Mahal na mahal talaga ako ng rabbit ko. Kung ako lang ang masusunod mas gugustuhin kong magkulong nalang kaming dalawa dito sa loob ng kwarto.

"A-Ako din." Napayuko ako sa hiya. Tumawa siya ng malakas kaya kaya kinagat ko siya sa leeg. "Tara na! Kapag ako mapagalitan din ni Ate Joi lalayasan talaga kita ngayong gabi sinasabi ko sayo." banta ko sa kanya. Lalo lang humigpit ang yakap niya at parang batang sumubsob sa leeg ko.

"15 minutes." Tumaas ang kilay ko. "Sige, gusto mo umiyak na naman ako?" nanulis ang mapulang nguso niya. Sus, pabebe na naman ang rabbit ko. "Mamaya ulet Yab ah." Saka niya ulet isiniksik ang mukha sa leeg ko sa hiya.

"Bwesit ka!" itinulak ko siya at napahiga siya sa kama saka tumawa ng malakas. Abnoy. Dinampot ko ang cellphone ko sa kama. Napangiwi ako dahil malapit ng sumabog ang phone ko sa dami ng mga text messages nila Ytchee. O-OA talaga!

Ito kasi ang huling gabi ng burol Tito Ric at mas dumami pa ang nakikiramay dahil nagdatingan na ang lahat mga kamag anak ni Wesley sa side ng daddy niya. Sinamahan lang ako ni Kenneth magpalit ng damit ngayon sa kwarto niya dahil natapunan ako ng juice sa sobrang harot nila Andi at Marlon kanina.

Actually, two days nadin kaming hindi nagkikita ni Kenneth dahil nung unang gabi lang kami ng lamay nagpunta dahil hindi kami pwedeng magpuyat at bawal kaming umabsent sa school.

"Yab dito kana matulog ah, ihahatid nalang kita sa school bukas ng umaga." Halos maningkit ang mata niya sa pagkakangiti habang nakatayo sa harap ko. Kingenang rabbit 'to masiyadong nagpapa pogi nanlalambot tuloy ang tuhod ko.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon