CHAPTER 5
ANDRES POV
Dahil ako ang may kaarawan ako ang pinaka punong abala. Para akong si Sarah Geronimo, Ikot ikot lang ikot ikot ikot. Mabuti nalang dumating ang kapatid ko kasama ang ilang ka-officemates niya at siya na ang nag asikaso sa ibang kailangan ko kagaya ng pag asikaso ng ibang bisita at ibang kailangan kagay ng food at mga drinks. Naisip ko munang bumalik sa table ng mga kaibigan ko pero kapansin pansin ang pananahimik nila.
"Anyareh birthday ko pero pang biyernes santo yang mga peslak niyo?" Bungad ko sa kanila pag upo. Walang sumagot sa kanila at tiningnan lang ako.
"Maygad! Next year sa bahay na lang ako magse-celebrate ng birthday nahihilo ako sa kakaibang liwanag dito sa bar." Reklamo ko sa kanila pagkaupo.
"Hindi ka pa nasanay, palibahasa lumaki ka sa madilim na paligid." Natatawang sagot ni Ytchee at hinampas siya ni Bonnie ng mahina sa braso.
Dun ko lang napansing may kulang sa mesa.
"Justin nasaan na si Lucky?" nagtatakang tanong ko sa kanya at lumingon lingon ako sa paligid.
"Ah umuwe na masama na kasi yung pakiramdam niya kanina pa." Pormal na sagot niya.
"Ang ganda namang tumayming ng pakiramdam niya sa birtday ko pa." Sarkastikong sagot ko.
"Hindi ka na niya inabala kasi baka pigilan mo siya. Lalagnatin na ata si Inday ang init init niya kanina pa." Sabat ni Marlon na kanina pa titig na titig kay Justin.
'Ka shokot 'to si Marlon parang lulunukin ng buo ang Justin.'
"Totoo yun Andi. Kaninang nag rehearse kami kela Ongpauco masama na pakiramdam nun eh. Diba panay na nga ubo nun sa classroom kanina?" depensa ni Ytchee.
"Psh, masama ang pakiramdam pero naka apat na bote siya ng beer kanina?" Sarkastikong sabat ni Kenneth na kanina pa hindi mapaghiwalay ni Amber.
'Isa pa 'tong date ni Kenneth ang creepy ng instant transformation.'
Tuloy lang kami sa inum pero may kulang talaga. Hindi ako mapalagay sa pagkakaupo. Maingay ang buong bar pero napakatahimik naman namin sa mesa.
Ibinagsak ko ng malakas ang bote sa ibabaw ng mesa.
"Mga bakla kayo birthday party 'tong pinuntahan niyo hindi ko lamay!" sigaw ko sa kanila.
"Hahahahaha!" Dinig kong tawa si Bonnie.
"Bakit ba ang tatamlay niyo? Ako yung may birthday mga Inday at Dodong. Hindi si Lucky mga impakta kayo!" At nagtawanan silang lahat sa pang uurat ko. Bumalik ang sigla nila at tumuloy kami sa pag inum. Yan ganyan magligalig kayo party po ito mga friends hindi ko'to lamay ko. Nyetah!
"Andi, nag aalala lang ako kay Lucky. Hindi pa kasi nagtetext simula kanina." Malungkot na sagot ni Ytchee sa akin habang inaabot ang drink niya.
"Truth, alam mo naman yun si Inday konting kibot lang may naapakan ng supresa." Napapailing na sagot ni Marlon kay Ytchee at pinag untog sa ere ang mga drink nila.
"Bakit naman? Palagi bang minamalas si Lucky ko?" Nakangusong sagot ni Justin na mukhang naging interesado ng marinig ang pangalan ni Inday.
'Isa pa 'tong batang ito ang gwapo gwapo walang pores. Samantalang ang peslak ko hindi ata mabubuo kundi dahil sa visible pores ko! Napaka unfair niyo Papa G!'
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...