CHAPTER 62
LUCKY'S POV
"Sa laki ng naging kasalanan mo sa akin siguro naman alam muna ang gusto kong kabayaran?" Pabulong na sambit niya habang nasa ilalim kami ng kumot. Gusto kong lumubog sa hiya dahil pakiramdam ko ang landi landi ko na talaga. Ayokong isipin ni Kenneth na nagpapakipot lang ako tapos sa huli bibigay din pala ako. Hep hep! I'm not an easy girl. Charot!
Nakaibabaw parin siya sa katawan ko at ang totoo nabibigatan na ako sa laki niya. Wala akong lakas na itulak siya sa ngayon dahil sa nakalalasing na amoy ng katawan niya, maging ang pagtama ng mainit niyang hininga sa mukha ko nakakadagdag ng amats sa sistema ko. Matapos niyang magpakasawang kagatin at iwanan ng pasa ang bawat ng parte ng katawan ko, wala siyang narinig na reklamo galing sa akin tapos ngayon siya pa itong may ganang mag demand? Aba matindi 'to!
"Hindi pa ako handa sa gusto mo." Mariing tanggi bahagya ko siyang itinulak sa dibdib ngunit nagmatigas siya at nanatili sa ibabaw ko. Namimihasa naman ata siya masiyado nakahalik lang gusto pang kumembyular!
"Anong hindi ka handa? Ginagawa mo naman akong tanga niyan Lucky e." Reklamo niya at alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto. Ugali niya yan at madalas noon natutuwa ako sa pagiging isip bata niya. But not on this one.
"Ayusin mo muna yung gulo mo bago ko ibigay ang sarili ko sayo ng buo." Pagtatapat ko sa kanya. Ayokong isipin niyang bumibigay na ako ng isandaang porsiyente matapos kong ipagtapat na siya parin ang gusto ko kanina. Gusto ko naman talaga siya pero hindi sapat yung ako lang yung may gusto, alam naman niyang ayokong may kahati pagdating sa atensiyon niya.
Well of course except his son's attention dahil pareho naming mahal na mahal si Luke.
"Sinabi ko naman sayong walang katotohan ang sinabi ni Lex---"
"Oops!" Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Magmura ka nalang magugustuhan ko pa kesa marinig yang pangalan ng babae mo!" Iritabling sagot ko na ikinangiti niya sa loob ng palad ko. Mahina niyang kinagat kagat ang kamay kong nakatakip parin sa bibig niya habang natatawa.
"Bakit nagseselos ka? Uyy, si Lucky nagseselos!" bigla siyang napabungisngis sa inis pinitik ko siya sa noo.
"Hindi." Masungit na sagot ko. "At kung magseselos ako sa tingin mo nandiyan ka ngayon sa ibabaw ko?" nanulis ang nguso niya. Kung si Pinoccio humahaba ang ilong kapag nagsisinungaling, si Kenneth humahaba ang nguso kapag hindi nakukuha ang gusto. Yung anek din humahaba kapag nadidikit sa taong ang gusto. Charos!
"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatunayan ko sayong sayo lang ako?" napangisi lang ako sa pagkakakunot ng noo niya. Alam ko namang ako lang ang nasa puson este puso niya sa ngayon, hindi lang talaga ako napapanatag hangga't hindi niya muna nalilinaw ang surprise engagement issue nila ni beauty queen.
"Wala kang dapat patunayan Kenneth. Pero alam mo kung anong ayaw at gusto ko pagdating sayo." Mariing sagot ko sana naman tumagos yun sa kukute niya.
"Badtrip naman e." Atungal niya at tinamaan ako sa paa ng sumipa pa siya sa kama. "Aayusin ko ang lahat pangako ko yan sayo." Isinandal niya ang noon niya sa noo ko. "Ang totoo hiyang hiya na ako sa pamilya mo dahil kahit hindi nila sabihin alam kong tagulid na naman ako sa kanila ngayon dahil sa balitang engaged na ako kay---" tinakpan ko ulet ng palad ang bibig niya. Ang kulet nito sinabing ayoko marinig ang pangala ng babaeng yun e!
"Gawin mo ang kung anong makapagpapaligaya sayo Kenneth hindi ako kokontra sa kung anong magiging desisyon mo. Basta palagi mo lang isaalang alang si Luke sa bawat desisyon mo." Paalala ko sa kanya. Maging kami man o hindi sa huli bahala na, si Luke ang dapat niyang pagtuunan ng panahon hindi ako o kung sino.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...