CHAPTER 22 - MY SWEET REVENGE

1.2K 78 14
                                    


CHAPTER 22

LUCKY'S POV

"So, anong meron sa inyo ni Ridz Meneses?" Naku-curious na tanong ko sa kanya at mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko yun dahil bakas ang pagkagulat at hiya sa mukha niya.

"N-Nothing." Nakanguso at naiilang na sagot niya saka tumayo at dumerecho sa terrace. Bigla kong naalala na may deserts pa palang dala sila Misis Ongpauco kanina kaya madali akong sununod kay Wesley.

"Nothing? Kaya pala kung maka akbay ka sa kanya nung isang araw wagas tapos nothing." Sarkastikong sagot ko at padabog na umupo sa harap niya.

Halatang ayaw niyang pag usapan ang bagay na yun dahil ayaw niyang kumibo at panay lang ang subo sa ref cake sa plato niya.

'Something fishy..'

"Wesley tinatanong kita kung may gusto ka ba kay Ridz Meneses?!" Prangkang tanong ko at parang nagbara ang kinakaen sa lalamunan niya at bigla itong naubo at agad na namula ang mukha. Inabutan ko siya ng tubig at madali itong tinungga. Inantay ko lang siyang matapos uminum at tinaasan ko siya ng kilay.

"W-What? No! Inakbayan lang yung tao may gusto na agad ako?!" Agad na depensa niya habang inilalapag ang baso.

"Eh bakit defensive ka?" Segunda ko at inilapit ko ang katawan ko sa mesa. Hindi parin siya makatingin ng derecho kahit sundan ko siya ng tingin. Dun ako naiinis nagde-deny pa siya kahit obvious na obvious na.

"Kilala mo kung sino ang gusto ko." Mariing sagot niya. "Malas lang may iba na siyang gusto.." Sarkastikong sagot niya saka ako tinitigan ng derecho. Ako naman ang nailang sa isinagot niya. Peste.

"Ahh--- malas niya dahil may gusto ka sa kanya o mas malas ka dahil ginusto mo siya?" pang gugulo ko sa sinabi niya. Ayokong seryosohin ang sinabi niya dahil ayokong ungkatin sa utak ko ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya.

"Tss, malas talaga niya tapos Lucky pa ang pangalan niya. Kalokohan!" Sarkastiko siyang napangiti. Hindi ko alam pero parang may kung anong bagay na humaplos sa malanding puso ko at nakiliti ako sa sinabi niya.

"Maganda si Ridz Meneses hindi malayong magkagusto ka sa kanya." Mahinang sagot ko at tumikhim ako para klaruhin ang bumara sa lalamunan ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ipinipilit ko ang gusto ko pero alam kong masasaktan ako kung sakaling tumama ang hinala ko.

"Kung ano mang meron samin ni Ridz Meneses labas ka dun Lucky." casual na sagot niya habang kumakaen.

'Bakit ba ang asim asim na ng personality niya? Malabo namang nagpapak 'to ng sampalok at kamias para asiman niya ako ng ganito.'

Hindi na ako umimik. Tinutukan ko nalang ang banana split na desert sa harap ko. Halas dalawang subo ko lang ang bawat isang saging sa plato dala ng inis na nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili at mas lalong naiinis ako sa kanya.

Pagkatapos kong ubusin ang desert sa dalawang plato agad akong tumayo at nag walk out. Ewan ko pero feel kong mag inarte bigla.

"L-Lucky!" Agad na habol niya sa akin sa loob at ng maabutan ako bigla akong hinatak sa braso.

"A-Ano?" Naiiritang sagot ko at tinitigan siya ng masama.

"Anong ano? Bakit ba nagagalit ka kung inakbayan ko si Ridz? Akbay lang yun walang ibang ibig sabihin yun. And for the record wala akong gusto sa kanya, okay?" naiiritang paliwanag niya at umikot pa ang mata sa kawalan. Pero hindi bumenta saken ang sagot niya. Psh!

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon