CHAPTER 15 - DEAL OR NO DEAL

1.3K 50 11
                                    

CHAPTER 15 

LUCKY'S POV

"Yan.. Tapos yan pa.. Kainin mong lahat yan wifey. You're too skinny already." Natatawang sabi ni Wesley habang pinupuno ng pagkaen ang plato ko.

"Ano ba hubby hindi ko mauubos yan tama na!" Tumatawang sagot ko at bahagya ko pa siyang hinampas sa braso.

"Kailangan mong kumaen ng madami ngayon wifey." Pilyong bulong niya sa tenga ko.

"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko habang titig na titig sa kanya.

"Kakailangan mo ng sapat na lakas para sa honeymoOn natin mamaya." Natatawang sagot niya.

"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHA!"

"Lumayo ka Ongpauco baka hindi kita matancha tumilapon ka!" inirapan ko siya habang tumatawa siya ng malakas.

"Ito naman hindi na mabiro!" nakangusong sagot niya habang binabangga bangga ang siko ko ng siko niya.

Inabala ko nalang ang sarili ko na kumuha ng dessert dahil yun lang talaga ang trip kong kainin ngayon.

"Tama na siguro 'to para may lakas ka pa mamaya." Nanunuksong sambit niya.

"Kainin mo lahat yan Yab ito lang kasi ang gusto kong kainin ngayon wala pa akong ganang kumaen." Matapos kong lagyan ang plato ko umusog ako kaso nabangga ko si Wesley sa kinatatayuan niya kaya napaangat ako ng tingin.

"Hey? Galaw galaw baka ma stroke!" Biro ko pero seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Y-Yab? Seriously?" Bigla akong kinabahan sa pagiging pormal niya.

'Pak me! Tinawag ko ba siyang Yab? Damn it!'

"S-Sinong Yab?" Maang maangan ko at dumampot ako ng isang cheese cake. Kinagatan ko muna bago ko inilagay sa plato ko.

"Cut that shit Lucky. I know the whole truth."

"What truth?" Lakas loob na tanong ko kahit alam ko ang tinutukoy niya.

"Stop the act Lucky. Kenneth told me that you guys started dating already." Walang ka emo-emosyong sagot siya.

Mababaw akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung hinuhuli niya lang ako o talagang sinabi ng payatot na yun ang tungkol sa amin. Pero may usapan kaming bukod kay Ytchee at Bonnie wala muna kaming pagsasabihang iba.

"I don't know what you're talking about Wesley. Kumaen na lang tayo pwede?" Pormal na tanggi ko. Pero hindi parin nagbabago ang expression niya. May pagkamatigas din kasi ang ulo ng batang 'to kaya minsan mahirap pagpaliwanagan.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon