Na in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba?
Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya?
Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
CHAPTER 31
KENNETH'S POV
"K-Kenneth!" kaway ni Wesley saken ni Wesley paglabas ko ng pinto ng gym.
"What's up bro, anong kailangan mo?" Linapitan ko siya at tinapik ko siya sa balikat.
"Grabe ang laki na ng ipinagbago mo nagka syota ka lang!" Singhal niya saken.
"Hoy Ongpauco hindi ko syota si Lucky, dahil ang siyota pang short time lang yun. Partner ko yun. Partner ibig sabihin forever yun, naiintindihan mo ba yun?" Pagdidiin ko at napangiwi lang siya sa sinabi ko.
"Oo na oo dami pang sinasabi." Tinulak niya ako ng mahina sa balikat.
"Kenneth! Mauna na kami sayo." Tapik ni Steffano saken paglapit.
"See you tomorrow sweety." Pang aasar naman ni Brian.
"Pakyu ka sweety!" Natatawang sigaw ko at natawa sila pareho. Ang bading pakinggan. Tch!
"Ingatan mo yang sweety ko Ongpauco sobrang inspired niyan maglaro kanina walang makatalo samin sa kanya court." Paalala ni Steff kay Wesley at napangiti naman ang pinsan ko.
"T-Talaga? Psh, Weak!" Banat ni Weslet at hinampas ko siya ng basketball bag sa bewang. Asaran namin yun noon kapag may natatalo kami sa Dota tinatawag naming WEAK ang mga kalaro namin.
"Naka iskor na ata 'to kagabe ganadong ganado." Pang aasar ni Brian at pinandilatan ko siya.
"Magsilayas nga kayo baka samain kayong dalawa saken!" Inambaan ko sila ng sipa at mabilis silang tumakbo papalayo.
"Is it real? Naka iskor ka na nga ba kay Lucky?" Natatawang tanong. Sinimangutan ko lang siya. Kahit na alam kung okay na kay Wesley ang relasyon namin ni Lucky nirerespeto ko parin ang feelings niya.
Alam kong nag giveway lang siya para saken at utang na loob ko yun kay Wesley na nakilala ko si Lucky at naging kami pa sa huli.
"Anong meron bakit napadaan ka?"
"Wala." Nakangusong sagot niya. Tss wala daw pero umabot na sa noo ang nguso niya.
"Wala sa vocabulary mo ang salitang wala Wesley. Ano ngang kailangan mo?" Pamimilit ko. Alam kong nagpapapilit lang siya dahil ugali niya yun kahit noon pa.
"Magpapa alam lang sana ako sayo. Magpapasama kasi ako kay Lucky na bumili ng gitara."
"Kailan yun?!" nagkunwari akong galit at gusto kong matawa sa itsura niya.
"Sa Saturday. Bibili ako ng para saken at ibibili ko din siya dahil wala akong regalo sa kanya nung birthday niya eh."
"Okay." Tipid na sagot ko. Wala naman akong magagawa. Gaya ng sabi ko noon mas okay ng si Wesley ang samahan niya huwag lang ang ibang lalake dahil hindi ako makapapayag dun.