CHAPTER 55 - TOOTHBRUSH

1K 54 4
                                    

CHAPTER 55

KENNETH'S POV


Three Days Ago..

"S-Son your grandparents are worried about you. Nung isang araw ka pa daw nila tinatanong kung anong graduation gift ang gusto mo pero wala ka parin daw sinasabi sa kanila." Bahagya akong lumingon sa pinto ng game room ko kung saan nakapamewang na nakatayo si daddy.

"Dad tell them i'm fine." Tipid na sagot ko at ibinalik muli ang atensiyon sa harap ng computer.

"You're fine?" hindi makapaniwalang sagot niya at saka tuluyang pumasok. "Ilang weeks ka na bang nagkukulong dito sa loob ng kwarto mo? Kung hindi ka lasing tulog ka naman magdamag dahil diyan sa kakapuyat mo kalalaro. Get a life Kenneth huwag mong gugulin ang oras mo sa mga walang kwentang bagay." Walang kasawa sawang sermon ni daddy. Araw araw yan, papasok lang sila ni Ate Joi sa kwarto ko para sermonan ako. Buti pa nga ang grandparents ko hinahayaan lang ako sa mga gusto ko kahit alam kong nagtatampo na sila.

"So what do you want me to do dad?" Walang kagana ganang sagot ko. Itinigil ko muna ang ginagawa at inikot ko paharap sa kanya ang upuan ko. Ano bang magagawa ko kung hanggang ngayon nasasaktan parin ako. Kahit anong pilit kong gawin apektadong apektado parin ako sa paghihiwalay namin.

"Get out of this room. Have fun with your cousin anak, Wesley will be leaving in a couple of days alam kong mamimiss niyo ang isa't isa dahi matagal tagal din kayong hindi magkikita." Nag aalalang sabi niya. Isa pa 'tong si Wesley last two weeks ago sinabi niya saken ang plano niyang pag alis para ipagpatuloy ang pag aaral niya sa States. Nagtampo ako sa kanya ng ilang araw dahil hindi ko inaasahan ang biglaang desisyon niyang mag aral sa ibang bansa. Akala ko ba ako ang bestfriend niya tapos ako pa yung huling nakaalam sa mga plans niya. Pati ba naman siya nakuhang iwan ako ngayon pa na mas kailangan ko siya sa tabi ko. "Huwag mo naman sayangin ang buhay mo dahil sa isang failed relationship anak. Hindi lang siya ang pwedeng magmahal sayo at pwedeng mahalin mo. Marami pang taong deserving sa atensiyon mo tulad naming pamilya mo." Malungkot na dugtong ni daddy. Mali ka dad, siya lang ang gusto kong mahalin at pwedeng magmahal saken. Alam ko namang apektado din sila sa pinagdadaanan ko dahil mula ng maospital si Tita Nanay nagkulong na ako sa loob ng kwarto ko.

"Fine. I'll drop by to his place after i finish playing." Humarap ulet ako sa ginagawa. Hindi sa binabalewala ko ang family ko. Ayoko lang makipagtalo at pagod na rin akong makinig sa mga gusto nilang mangayare sa buhay ko. Ito lang ang paraan ko para maitago ang sakit na nararamdaman ko ang magtago at lunurin ang sarili ko sa sarili kong mundo.

"Anak anong gusto mong regalo ibibigay sayo ni daddy kahit ano." Tuluyan na siyang lumapit sa kinauupuan ko at pinisil pisil ako sa balikat.

"You know what i want dad." Dahan dahan kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. "And we both know you can't give it to me dad. So please don't bother to ask me anymore." Buntong hiniga lang ang tangi niyang naisagot.

"Be patient Kenneth. Trust me makukuha mo din ang lahat ng gusto mo in time." Kung ganun lang sana kadali ang sinasabi ni daddy ginawa ko na noon pa.

"I want it now dad and i don't have enough patience to wait anymore. Masiyado niyo kong dine deprive sa isang bagay na gustong gusto ko at nakapagpapasaya saken." Galit na bulalas ko. Nabigla ako sa sinabi ko kaya napapikit ako sa takot. Takot na makita ang dismayadong reaction ni daddy. "I'm sorry dad. I'm sorry." Mahinang paumanhin ko. Yumuko ako at isinandal ang noo ko sa ibabaw ng braso ko sa mesa.

"Son you know our situation is getting worst." Mahinahong sagot niya. "Kahit ibigay ko ang kalayaang gusto mo sa tingin mo ba may pag asa pang magkaayos kayo?" nag angat ako ng tingin sa sinabi ni daddy.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon