Na in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba?
Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya?
Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KENNETH'S POV
My life has never been this colorful and meaningful. Masasabi kong masaya at kuntento na ako sa buhay na meron ako ngayon. Kung noon isinusulat ko pa ang lahat ng gusto kong matanggap na regalo bago sumapit ang pasko, ngayon, blangko na ang listahan ko. Pakiramdam ko araw araw pasko dahil nasa akin na ang pinaka gusto kong regalo.
Ang pinaka espesyal na regalo na pinananabikan ko. Regalong hindi ko pwedeng ibahagi sa iba dahil nakalaan lang para sa iisang tao. Kabiyak na bumubuo sa pagkatao ko. Kumbaga sa pagkaen swak na swak sa panlasa ko. Siya yung missing piece sa puzzle na matagal ko ng binubuo ko. Ang mga sagot sa matagal na mga panalangin ko. Siya yung soulmate ko. Ang lifeline at ang lifetime partner na nagdadala ng kinang sa makulay na buhay ko.
Siya ang bumihag sa nag iisang mailap at pihikang si Kenneth James Ang.
Ang nag iisang Lucky Shane Torres Gonzaga - Ang..
Hanggang ngayon hindi parin talaga ako makapaniwalang may asawa na ako at legal na mag asawa na kami. Natatawa parin ako kapag naaalala ko kung gaano ka epic ang itsura niya ng mawala ang dome tent at naiwan siyang nag iisa sa dulo ng isle. It was actually my idea at kahit mahirap nagawan namin ng paraan sa tulong ng mga kaibigan at mga pinsan ko.
It was the best day of my life.
At ang totoo niyan hanggang ngayon hindi parin talaga ako lubusang nakukuntento. Ang pagmamahal ko sa kanya maihahalintulad ko sa alkansiya, habang tumatagal nadaragdagan lang at lalo pang dumarami. Ew! Do i sound so cheesey? Well, ganun talaga siguro kapag nagmamahal nagiging corny.
I may sound crazy but my hunger for Lucky's existence was never changed. Araw araw ko parin siyang pinananabikan at pinanggigigilan tulad ng dati. Ngunit hindi parin sumasapat ang bawat oras, minuto at segundo na magkasama kami. Napupunan lang ang kakulangang iyon sa tuwing inaangkin ko ang labi niya.
Lucky's lips is my biggest weakness. At magpahanggang ngayon alipin parin ako ng mga halik niya.
Bigla akong na excite at napangiti ng gumalaw galaw ang labi niya habang nakasandal ang ulo sa braso ko. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na angkinin ang pagmamay ari ko. Napapaungol pa siya habang nakapikit. Ganun ba talaga ako ka sarap humalik kahit tulog napi-feel niya? Sinilip ko ang loob ng suot niyang maluwag na tshirt pinuno ko kasi ng kiss mark ang dibdib niya bago kami matulog kagabe.
"Yab gising na." Pinaikutan ko ng halik ang buong mukha niya para magising. Isang bagay na madalas niyang ikatawa kapag ginagawa ko sa kanya tuwing umaga. Mabilis na kumapit ang isang kamay niya sa batok ko at inilapit ang mukha ko sa kaniya. Oohh, my daily doze of vitamins.
"Morning Yabbit!" May kakaibang kiliting hatid ang pagkakadikit ng labi niya sa tenga ko. Sabayan pa
nakaka akit na namamaos na boses niya. Hanggang kailan ako mababaliw sayo Lucky Shane Torres Gonzaga-Ang?