CHAPTER 29 - EAT AND RUN

1.4K 64 27
                                    

LUCKY GONZAGA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LUCKY GONZAGA

CHAPTER 29 – EAT AND RUN

LUCKY'S POV

"Y-Yab labas ulet tayo bukas.." aya niya at halos mapunit ang bibig sa pagkaka ngiti.

"Huwag na mauubos ang pera mo."

"Bakit pera mo ba yun?!" pagsusungit niya.

"Oh bakit pera mo din ba yun?"

"Allowance ko yun Yab! Bigay yun ni Daddy." Agad siyang napasimangot dahil hindi na naman nasunod ang gusto.

"Kahit na dapat matuto kang magpahalaga ng pinaghihirapan ng ibang tao. Magtipid ka Kenneth baka makasanayan mo yan hanggang sa pagtanda mo." Pangaral ko at ngumiwi lang ang mapulang nguso niya.

"Yab namam eh alam mo namang ayokong nagtitipid pagdating sayo." Parang batang atungal niya. Hinahawakan niya ako sa kamay at pinisil pisil.

"Pwes simulan muna ngayon dahil matipid ako. Pinalaki akong masinop ni Tita Jack. Gumagastos lang ako kapag kailangang kailangan ko." Pangangatwiran ko.

Hindi sa binabago ko ang nakasanayan niya gusto ko lang na matuto siya kahit papaano. Hindi biro ang kumita ng pera yan ang bagay na natutunan ko paglaki dahil ako mismo nagta-trabaho sa cafe namin every summer para may extra akong pera.

"Ahh kaya pala pati sa pagti-text napaka tipid mo!" Sumbat niya at pinanlakihan ako ng mata.

"Siyempre hindi ako parating may load!" inirapan ko siya. Palibahasa naka line silang lahat ako lang ata ang nag iisang estudyante sa Carlisle ang naka prepaid.

'Eh ano ngayon? As if naman ikayayaman ko yun dagdag gastos lang yun. Hmpf!'

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon