CHAPTER 23
LUCKY'S POV
Hindi na ata mauubos ang kamalasan ko. Pagpasok palang pinagkaguluhan na ako ng mga schoolmates kong mga retarded. Naglalakad palang ako sa pathway sinalubong na ako ng mga haters na kabarkada ata ng mga bashers ko.
Paparinggan ka ng kung ano anong masasakit na salita. Itutulak ka, bangga dito, bangga dun. Papatirin ka, hihilahin yung bag mo. Babatuhin ka plastic cup sa ulo. Napapakamot na lang ako sa batok sa sobrang pagtitimpi ko. Sigh. Wala na bang katapusan 'to?
Nagulat ako ng biglang may nagbuhos ng harina sa ulo ko. Pinagpag ko agad ang buhok ko at nalasahan ko pa yung harina sa bibig ko. Pweh!
"HINDI NABABAGAY SA SCHOOL NA 'TO ANG MGA STUDENTS NA MAY BAD RECORDS! ISA KANG MANTYA SA CAMPUS LUCKY GONZAGA!" tinulak tulak ako ng tatlong Pink Rangers. Si Karen, Jhorica at hindi ko kilala yung isang kasama nila. Bagong recruit siguro katulad din nila mataba at maliIt din kagay nila.
'Mantya talaga? Eh kung ikula ko kaya 'tong mga haliparot na 'to?'
"YUCK, MAY VIDEO SCANDAL KA TAPOS NAKAPASOK KA DITO? WHAT THE HELL? KASABWAT MO SIGURO YUNG NANAY MO KAYA KA NAKALUSOT NOH!?!" hinila ni Karen ang earphone ko. Sigh.
'Kapag yan masira, sisirain ko rin ang buhay mo!' Matalim na tinging ipinukol ko sa kanya. Unti unting dumarami ang mga students na nakiki usyoso. Naisip ko nalang umiwas kaya itinuloy na lang ang paglalakad pero agad na may humila sa bag ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Not so fast faggot! Sulitin muna ang natitirang araw mo dito sa campus dahil bilang nalang ang araw mo dito." Maarteng sambit ni Jhorica at hawak hawak ang strap ng bag ko.
"Yun na nga eh, sinusulit ko na nga tapos nang aabala pa kayo. Sa tingin mo masusulit ko yun kung nanggugulo pa kayong tatlo?" pinipigil kong huwag mapikon sa kanila dahil kahit anong gawin walang kahahantungan ang pakikipagtalo ko.
"Aba?! Sumasagot kapa talaga?!" Lumapit si Karen at hinawi si Jhorica sa harap niya.
"Pwede ba Karen, Jhorica hayaan niyo nalang ako sa gusto ko? Sa inyo na nga nanggaling na bilang nalang ang araw ko baka pwede namang ibalato niyo na lang ang araw na 'to at kung pwede din tantanan niyo na ako?"
Walang hinto ang bulungan ng mga nasa paligid namin. Panay ang hagod nila sa kabuuan ko at matatalim ang tingin ipinupukol nila. Sanay na ako bulungan nila, sa ilang buwang pananatili ko dito hindi na ako nauubusan ng isyu. Salamat sa kapraningan ng isang MJ Belmonte.
"Okay, kung yan ang gusto mo. Pero huwag kang haharang harang sa dinaraanan namin dahil hindi ka maganda sa paningin namin Gonzaga." Maarteng sagot niya.
'Tibay ako pa talaga ang humarang sa kanila sila nga 'tong sumalubong at hinintuan ako. Amazing kagaya ng lider nila mga boploks din ang mga followers niya.'
"Siguro naman nagsilbing warning na sayo yung naunang video. Dahil kung sa susunod na linggo nandito kapa sabi ni MJ ipo-post na niya ang scandal mo!" banta niya sa harap ko. Napangiti silang magkaibigan at nakitawa naman yung kasama nilang maliit din babae. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot.
'Peste ang aga aga mga babaeng Gasul agad nakakasalamuha ko.'
"KYAAAAAAAAHHHHHHHH!"
"ITS HIM! OH ITS HIM! OH MY GOD!" Malanding tilian ng mga babaeng nakapaligid sa amin. Hindi ko makita kung sino ang tinutukoy nila dahil natatakpan ako ng maraming students na nang uusisa kanina.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...