CHAPTER 69 - AND I--- THANK YOU!

1.8K 67 20
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 69

LUCKY'S POV

Matapos ang walang katuturang pag uusap namin ni Kenneth sa terrace hindi na niya ako inimik buong gabi. Ugali pa naman nito asal. Gusto niya na palagi siyang nasusunod. Feel na feel niya parating ina-under ako. Kaya ganun nalang kung balewalain niya ang nararamdaman ko. Kapag ako naman ang gumaganti ng pagkuda kung makaarte kagaya ngayon akala mo kinanti ko ang buong lahi niya.

Hanggang ngayon naiinis parin talaga ako dahil pambabalewala niya sa nararamdaman ko. Ginagawa niyang katatawanan ang matinding pagseselos ko. Akala niya ba nagbibiro ako? Ano perstaym niyang makakita ng magandang babae na naka mini skirt at isang iglap kinalimutan niyang may Lucky Gonzaga na siya sa buhay niya? Palibahasa alam na alam niyang palagi ko siyang pinagbibigyan gaano man kalaki ang mga nagiging kasalanan niya.

Gayumpaman hindi parin nagbabago ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya gaano man karami at kabigat ang mga nagiging kasalanan niya. Ang totoo ngayon lang nag sink in ang mga bagay na sinabi ko sa kanya kagabe. I know i'm being foolish and stupid at the same time. Nasabi ko lang naman ang mga yun para bigyan siya ng babala. Pero imbes makahinga ako ng maluwag lalo pang sumikip ang dibdib ko at lalong naging flat sa sakit ng nakita ko sa mga mata niya.

Buong gabi rin akong hindi makatulog ng maayos dahil nakukunsensiya ako. Magdamag ko atang pinagmamasdan ang likuran niya habang nakahiga siya sa Doraemon bed ko. Tumagilid ako ng higa at humarap ako kay Luke na himbing paring natutulog sa tabi ko saka ako nagdesisyong tumayo. Kailangan kong bumawi sa kanilang mag ama ng bigtime, naisip kong ipagluto sila ngayon ng breakfast at sabay sabay kaming kakaen sa kama. Breakfast in bed!

Pagbaba ko sa kitchen naabutan ko si Tita Jack na nagluluto na ng breakfast.

"Good morning Tita Jack!" umakap ako sa likuran niya at natatawa naman siyang humalik sa pisngi ko.

"Mukhang maganda ang gising naten ah?"

"Hindi nga e." Napangusong sagot ko. "Nagtalo na naman kami ni Kenneth kagabe alam muna." Nahihiyang kwento ko.

"Tss, anong bago? Hindi naman nabubuo ang araw niyo ng hindi kayo nagbabangayang dalawa." Supla niya sa mukha kong maganda .

"Tita Jack naman e." Nagtatampong sagot ko.

"Sauce arte!" kinurot niya ako ng mahina sa tagiliran saka niya tinakpan ang nilulutong sopas. "Oh bakit ang aga mo palang gumising alas diyes pa ang pasok ng mag ama mo wala pang alas sais oh." Baling niya sa suot na relo.

"Gusto ko sana siyang surpresahin." Kagat labing paliwanag ko. "Gusto ko sana siyang ipagluto ng breakfast para paggising niya sabay sabay kaming tatlo kakaen sa kama." nahihiyang paliwanag ko kay Tita Jack. Nahihiya talaga ako lalo na nung nalaman kong si Tita Jack ang naging confidante ni Kenneth noong mga panahong iniwan ko siya dito.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon