CHAPTER 44 – 2
LUCKY'S POV
"Yab malapit na ang Christmas anong ire-regalo mo saken?" na excite tanong ni Kenneth habang nagmamaneho. Napangiti lang ako sa pagiging isip bata niya. Ano nga ba? Sa yaman nila may bagay paba na wala sa kaniya?
"A-Ako?" pabirong sagot ko. Wala akong maisip e. Ibalot ko nalang kaya sarili ko siguro naman matutuwa na siya.
"Sige! Basta pakasalan muna ako." Nanlaki ang mata ko sa gulat. How i wish. Kung para saken lang seryoso talaga ako na siya ang gusto kong makasama sa hinaharap. Kay Kenneth lang ako hindi sigurado, hindi sa nagdududa ako sa nararamdaman niya malabo lang talagang mangyare ang gusto niya.
"Yab, Your spacing out again." Naiiritang wika niya. Bakit ba? Ang hirap kayang mag isip. Magtatanong tapos magmamadali. Tch! Kingenang 'to sinong hindi matutulala, alukin ka ba naman ng taong gusto gusto mo ano bang ine-expect niyang maging reaction ko?
Ilagay ko nalang kaya ang sarili ko sa isang malaking box na parang manika, tas lagyan ko ng asul na ribbon? Tss, malamang magtatalon siya sa tuwa dahil gagawin niya akong sex doll. Ching!
"Wow, kasal? As if naman pwede tayong ikasal Kenneth James Ang?" sarkastikong sagot ko matapos makabawi sa malalim na pag iisip. Ayokong masanay at umasa sa mga imposibleng bagay Kenneth kaya huwag mo akong paasahin masiyado.
"Sino ba nagsabi sayong hindi?" kung pagkunutan niya ako ng noo parang kasalanang kong tumaas ang presyo ng gasulina nitong nakaraang linggo. "Oo naman unless may iba ka pang pakasalan Gonzaga." Naghahamong sagot niya. Nag uumpisa na naman siyang magduda sa loyalty ko. Ako paba Kenneth? Ako paba.
"Paulet ulet Kenneth? Diba sabi ko naman sayo kung bibigyan ako ng pagkakataong makasal ikaw lang ang pipiliin ko at wala na akong naiisip na iba." Pagtataray ko sa kanya. Nakakainis ako paba ang pagdududahan niya e siya nga katuparan ng mga pangarap ko.
Umarko paitaas ang gilid ng mapulang lips niya. "Alam ko, siguraduhin mo lang Gonzaga dahil masasakal talaga kita kapag nagbago pa yang isip mo." Seryosong sagot niya habang nasa daan ang tingin. Gusto kong lulunin lahat ng Frutos na kendi sa bag ko sa sobrang kilig. Pak me! Masiyadong pa fall ang lalakeng 'to kainis.
"Walang magbabago sa desisyon ko unless aayawan mo ako." Salamat sa seatbelt kundi sumubsob na ako sa harap sa biglang pagpreno niya.
"That's not gonna happen baby." Hinapit niya ang leeg ko at hinalikan ako ng mariin sa labi. Napapangiti pa siya habang hinahalikan ako. "I can't get over you Lu. I want more and more of you." Para siyang naka droga sa pamumungay ng mata niya.
"Tss, Rabbit!" inirapan ko siya at pinugpog niya ng halik ang mata ko.
"Let's get married Yab!" Nakakahawa ang enthusiasm niya. At parang ganun lang din kadali ang bagay na yun kung sabihin niya. Duh, we're only 18. What would an 18 years old like us can do these days? Sa tradisyong Pilipino 18 years old is not old enough to make his/her own decision lalo't pareho pa kaming nasa poder ng mga magulang namin. Our opinion doesn't count yet. Unless we're both working at nakakatulong nasa mga pamilya namin.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...