CHAPTER 58 - LUKE JAMES ANG

1.7K 54 7
                                    


CHAPTER 58  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 58  


LUCKY'S POV

Alam mo yung pakiramdam na kahit nakapikit ka alam mong may nakatingin o nagmamasid sayo? Yun ang nararamdaman ko ngayon. At kahit na napakumportable pa ng kamang hinihigaan ko at sa kabila ng lamig sa loob ng buong kwarto ngayon pinagpapawisan parin ako.

Alam kong hindi ako nag iisa ngayon sa loob ng kwarto. Kahit hindi ako dumilat that mere presence is enough to know that i'm not the only one inside this room.

At parang may kutob na ako kung sino siya...

And to be honest kinabahan ako makaharap siya after all this years. Hindi naman sa naduduwag o natatakot ako. Tama na siguro yung katotohanang sampal na sa pagkatao ko ang malaking pagkakaiba naming dalawa pagdating sa taong yun.

Pagmulat ko ng mata unang tumama sa paningin ko ang iba't ibang hugis at laki ng mga glow in the dark na stars at mga planeta na nakadikit sa kisame. Ilang beses pa akong napalunok at nagbuntonghininga bago ako tumagilid ng higa. Pangalawa kong nasilayan ang makinis at maputing legs ng babaeng naka pang dekwatrong upo sa gilid ng kama.

"Good morning." casual na bati niya ng magtama ang mata namin. Tumuwid siya sa pagkakaupo at inilapag ang hawak na magazine sa maliit na mesa. I met a lot of beautiful and gorgeous models around the world and i never felt so envious of this girl sitting beside this bed.

"H-Hi—Good morning." Medyo malat na sagot ko. Inaayos ko ang suot kong white t-shirt at saka ako umupo ng tuwid sa kama. "I'm sorry if i'd stay so late. I don't wanna cause any trouble hindi ko kasi namalayang nakatulog na pala ako habang---" babangon na sana ako ng bigla siyang tumayo sa upuan at inawat ako.

"Its fine Lucky its nothing serious, inantay talaga kitang magising kaya ako nandito." Sagot niya habang hawak ako sa magkabilang balikat at inalalayang umupo sa kama. "Sinabi naman ni Kenneth kung bakit ka dito natulog kagabe." Tipid na ngiting sagot niya. "Pasensiya ka narin kung masiyadong makulit ang anak ko. Alam muna.. ine-spoiled kasi ng daddy niya." Natatawang dugtong niya at sinabayan ng pag ikot ng mata.

"M-may maitutulong ba ako?" nag aalangang sagot ko. Malabo namang inantay niya lang ako magising para humingi ng autograph ko o di kaya magpa picture. Hello?!

"Ang totoo may kailangan ako sayo Lucky.." Seryosong usal niya. Paimple akong napakapit ng mahigpit sa kumot at seryosong nakipag titigan sa kanya. Una siyang nagbawi ng tingin at itinuon ang mata sa study table ni Luke.

"Look if this is all about Kenneth, i'm sorry pero hindi ako nandito para manggulo." Pinangunahan ko na siya. "Hindi naman ako umuwe ng Pilipinas ng dahil sa kanya o guluhin ang magandang pagsasama niyo." Agad na depensa ko. Mahirap na baka pag isipan niya ng masama ang pagsama ko sa mag ama niya kagabe pauwe dito.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon