CHAPTER 54 - LETS PRETEND

1.1K 69 17
                                    


CHAPTER 54 


LUCKY'S POV

Sabi nila wala raw malas na tao. Well, they haven't met me. Nung umulan ata ng kamalasan wala akong dalang payong. And Yes, basang basa ako nun mga ses at seshie. Hindi naman sa sinasabi kong ako na ang pinaka malas na tao pero wala akong kilalang kasing edad ko na kasing malas ko. Aware naman akong lahat tayo may kanya kanyang ganap o pinagdadaanan sa buhay. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit saken doble doble. Kumakailan lang masakit yung puso ko sa nangyare samin ni Kenneth tapos ilang linggo lang inatake naman sa sakit ng puso ang nanay ko. Ito na ba ang tinatawag nilang karma?

Sa kabila nun maswerte parin ako sa mga taong nakapalibot na nagmamahal at nakakaunawa sa mga kamalasan ko. Habang tumatagal natatanggap ko narin naman na malas nga talaga siguro ako sa ibang aspeto ng buhay. Kahulugan lang ng pangalan ko ang may swerte pero yung katawan na nagmamay ari ng pangalan hindi masiyado. Maswerte lang ako para sa ibang tao at kapag sinuwerte naman ako mas mataas pa sa height ko ang kamalasan ko.

My faith is my own enemy. I need to face my own faith before it hits me hard. Walang mangyayare kung uupo at manunuod lang ako kung ano pang pwedeng mangyare. Hindi na ako mag aantay kailangan ko ng kumilos at ako lang mismo ang pwedeng magdikta kung ano pang pwedeng mangyari sa buhay ko.

Ngayon desido na ako. Ako na ang kikilos para makatulong sa pamilya ko. Hindi habang buhay aasa ako sa kanila. Panahon na para may mapatunayan ako sa sarili ko.

"Seshie sigurado ka na ba talaga sa mga pinaplano mo? You know baka kasi nabibigla ka lang sa mga desisyon mo." hinawakan ni Andres ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. Na appreciate ko naman ang mga concerns nila pero iba ang amats kapag hinambalos ka ng kamalasan at wala kang kalaban laban. Try niyo rin minsan lumagay sa sitwasiyon ko kundi kayo mabaog.

Kahapon nag send ako ng picture sa group chat namin. Picture ng blue calling card na ibinigay saken ng isang foreign photographer na nakilala namin sa Baguio. Inilihim ko ito sa kanila sa loob ng ilang linggo hangga't hindi ako sigurado. Dahil mga henyong mga retarded ang mga kaibigan ko dinaig pa naming apat ang mainit na debate sa Kamara sa dami ng pinagtalunan namin. Alam ko namang kokontra sila at talagang na appreciate ko yun dahil para sa kapakanan ko ang mga sinasabi nila.

"Andi, wala akong ibang choice, gusto kong makatulong at ito lang ang paraang naiisip ko." Na ikuwento ko narin sa kanila ang kalagayang pinansiyal ng pamilya ko magmula ng ma ospital ako at ngayong nasa ospital ang nanay ko.

"Ses, pwede naman kaming tumulong sayo. All you need to do is just ask." tipid na ngiti lang ang naisagot ko kay Marlon. Nag alok sila ng tulong pinansiyal noon pa pero magalang kong tinanggihan ang mga iyon.

"Tama naman sila Andi, huwag ka munang magpadalos dalos sa pagdedesisiyon dahil emotionally stress ka. Most of the time it influences our decision making when we are emotionally stress." Paliwanag ni Ytchee. Alam kong may basehan ang sinasabi niya sa taas ng IQ niya lahat ng pwedeng i-rason ilalatag niya hanggang sa matauhan ka. But my case is different. Sarili ko na ang kalaban ko dahil ako mismo sa sarili ko hindi matanggap na wala akong kayang gawin habang nahihirapan ang bawat miyembro ng pamilya ko. "We're always here for you Lucky. Anong silbi naming mga kaibigan mo kung hindi kami makakatulong sa mga problema mo?" giit pa ni Ytchee.

"Pinag isipan ko ng mabuti ang bagay na 'to. I know its too risky pero kailangang sumugal kundi walang manyayari sa buhay ko." Kailangan lalo't isang linggo na ang nakalipas pero hindi parin nagkakamalay si Nanay.

"P-Paano ang pag aaral mo? Diba gustong gusto mong makapasok sa UP? Sayang yung effort mo seshie kung aalis ka lang." Todo pangungumbinsi ni Andi. Ang totoo isa pa yun sa pinanghihinayangan ko. Ang kaso kapag naaalala ko yung araw na nakapasa ako ay ang mismong araw ding nalaman kong nakabuntis si Kenneth gumuho ng sabay sabay ang lahat ng mga pangarap ko.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon