SPECIAL CHAPTER

1.7K 66 7
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


LUCKY'S POV

Pinuno ng tawanan at masasayang kwentuhan ang bawat mga mesa. Game na game din ang mga bisita namin na sumali sa kantahan at sayawan na pinangungunahan ng mga gwapong pinsan ni Kenneth. Tuwang tuwa naman ang grandparents ni Kenneth na makilala ang grandparents ko. Hindi rin naiwasang kantiyawan si Tito Basti ng tatlong kapatid niyang mga lalake ng ipakilala niya ang mga ito sa mga kapatid ni Nanay. At sa mga ngiti at kinang ng mga mata ni Tito Basti mukhang may kasalan na namang magaganap next year.

Bukod sa masasarap na pakaeng handa madidighay karin sa nakaka relax na view. Lalo na kapag napapatingin ako sa mesa ng pinsan ni Kenneth. Kahit hindi kapa kumakaen didighay kana sa kabusugan.

Siyempre hindi nagpahuli ang mga kaibigan at mga pinsan kong mahaharot ng makihalubilo sa mga gwapong apo ni Lolo Raymond. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumawa dahil ginawa na namang comedy bar ni Andres at Marlon ang entablado ng mahawakan nila ang mickropono. Lampas pa sa height ko ang kasiyahang nararamdaman ko dahil nakikita kong hindi lang ako ang masaya ngayong gabi kundi maging ang mga bisita ko.

Isang himala dahil ngayong gabi nabibilang lang sa daliri na nilapitan ako nila Luke at Jor-El para mangulit. Isa o dalawang beses ko lang ata silang nakita mula pa kanina ng lapitan nila ako sa mesa namin ni Kenneth. Muntik pa akong mapasigaw nung una sa gulat ng may biglang umakap sa magkabilang binti ko sa ilalim ng mesa. Pagsilip ni Kenneth sa ilalim nabungaran niya ang anak at pamangkin niya na tatawa tawang nakayapos sa magkabilang legs ko. Matapos yun bumabalik lang sila ng ilang minuto at sinisilip kung nasaan ako bago muling abalahin ang mga sarili sa paglalaro kasama ang mga pamangkin ni Ytchee.

Naging kakaiba din ang sigla ni Kenneth paglabas namin ng private suite kanina. Siya rin ang naging punong abala sa pag aasikaso ng mga bisita lalo na't imbitado ang buong high school basketball team niya at ang dating coach nila. Sinalubong kami ng kantiyawan paglapit namin sa mesa nila.

"Congrats bro! Nauna kang matali sa ating tatlo!" unang sumalubong si Steffano bago umakap kay Kenneth. "Parang kailan lang ng aminin mong may relasiyon kayo ni Lucky Gonzaga tapos ngayon pinakasalan muna siya? W-What heck bro?" mababakas sa mukha nito ang pagtatampo sa paraan ng pagkakakunot ng noo. Mga lalake talaga pa big deal. Ako nga walang alam naikakasal na nagtampo ba ako sa napangasawa ko? Tch!

"Kailangan bro, mahirap na baka maagaw pa ng iba, right Brian?" baling ni Kenneth sa kaibigang kanina pa nag uuntugan ang kilay habang pinapanuod ang dalawa.

"Kung gaano kabilis 'tong si Kenneth sa court ganun din pala siya kabilis pagdating sa lovelife niya." Natatawang sabat ng morenong lalake na katabi ni Brian.

"Isa lang ang ibig sabihin nun bro." Tapik ni Steffano sa katabi. "Mabagal lang talaga si Bryan kaya ka napag iiwanan na." Sabay tawanan nila ng malakas kaya lalong sumama ang timpla ng gwapong mukha ng binata.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon