CHAPTER 41 - RABBIT AT PUSA

1.3K 58 6
                                    



CHAPTER 41 


LUCKY'S POV

"Mga panget mauna muna ako inyo, alam ko namang sasabak na naman kayo sa isang matinding bakbakan ng selosan mamaya." Pasaring ni Ytchee. Sinabi mo pa. Malamang mahihiya ang graded recitation sa mga katanungang ibabato niya saken mamaya. Sigurado kasi akong uminit na naman ulo nitong isa sa mga narinig niya kanina.

"Saan ka ba kasi nanggaling bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot sa kanina?" Salubong naman ang kilay ni Kenneth niya. Nakakatuwa talaga ang itsura ng rabbit ko kapag nagagalet. Lalong gumagwapo ang sarap isako.

"Kinausap ko lang si Dorothy yung anak ni Uncle Doro ipinatawag kasi ako kanina e." Seryosong sagot ni Ytchee at kinurot sa pisngi si Kenneth na agad na nairita. Tsk, ayaw pa pa naman niyang may humahawak sa kanya. Natawa ako bigla ng kindatan ako ni Ytchee. Gaga ka kapag yan mag beast mode wag mo kong matawag tawag mamaya.

"D-Dorothy?" bakas ang pagtataka sa pagkakakunot ng noo ni Kenneth.

"Oo ang napaka ganda at napakinis na si Dorothy." Nakangiting sagot ni Ytchee dito.

"Tss, magkaibigan nga talaga kayo pareho kayong mga salawahan at hindi kayo marunong makuntento sa mga partners niyo." Inirapan niya si Ytchee saka umupo sa bench katabi ko. 

Whoa, sobra siya! Salawahan agad di pwedeng friendly lang muna?

"Kailangan ko siya kaya ako nakipagkita sa kanya kanina." Umayo siya ng tayo at nag cross arm. "HOY POR YOR IMPORMEYSIYON kahit kailan hindi ako naging salawahan kay Bonnie." Pamukha niya dito. Hindi kumbinsido si Kenneth dahil hanggang ngayon parang nalukot na papel parin ang noo niya.

"Ganun din yun, dapat hindi kayo nakikipag usap sa iba lalo't kung kayo lang dalawa para hindi kayo pagdududahan ng mga partner niyo." Pangaral ni Kenneth kay Ytchee. May pinapatamaan ba siya? Kahit hindi yun deretsahang sinabi sa harap ko pakiramdam ko ako ang pinaparinggan niya. Guilty ka naman? Sabat ng ma opinyong utak ko.

"Bakit pinagdududahan mo na ba ang loyalty ng kaibigan ko?" Sagot niya na ikinabigla nitong isa. See napansin din Fingerella. Tch!

"H-Hindi naman sa pinagdududahan ko siya." Naiilang na napalingon si Kenneth sa gawi ko. "Wala lang talaga akong tiwala sa mga pinsan ko, lalo na yung gunggong na Skye na yun." Biglang itong napasimangot sa sinabi. Palibhasa parehas sila ng karakas ng pinsan niyang may ADHD syndrome hanggang magbinata.

"Mabait naman si Skye ah. May pagka makulet nga lang talaga." Pagtatanggol ko sa pinsan niya.

"Sige kampihan mo pa!" Singhal niya saken na ikina atras ng ulo ko. "Mabait ba yun eh gusto nga tayong paghiwalayin kanina para makuha lang ang gusto niya?" namumulang sambit niya. Yan na nag uumpisa ng magliyab ang apoy na siya mismo ang nagsindi kani-kanina. Itulak ko kaya 'to sa pinaka malapit na pool para lumamig ang ulo niya?

"PRRRTT!!" parang parak na awat samen ni Ytchee. "Mamaya na kayo magtalo pag alis ko ang lakas niyong maka bad vibes."

"Psh! E yung pambababae mo sa tingin mo ba malakas maka good vibes?" duro ni Kenneth at bigla itong tumayo.

"Nag paalam ako kay Bonnie kaya alam niya ang ginagawa ko! E ikaw alam ba ni Lucky ang ginagawa mo dun kanina?" Biglang natigilan si Kenneth sa sinabi ni Ytchee habang nakaturo ito sa pinaggalingan nila. Anong ginagawa niya kanina? May kausap din ba siyang iba? Nambabae ba siya habang wala ako? Subukan niya puputulin ko ang kaligayahan niya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon