CHAPTER 59 – 2
ANDI'S POV
Once upon my time na kicked out ako sa mansion ng mga Bolivar. Oo mga seshie ang nag iisa at ang pinaka iingat ingatang prinsesa, bunso at kayumangging anak ni Congressman Andres C. Bolivar ng Borongan, Samar, ang seshie ng bayan, Nicki Minaj ng campus, member ng sikat na grupong The Mockingjays, ex-member ng disbanded na grupong Pigs At Work, ang pinaka cute at chubby ngunit di kaputiang students ng Carlisle Academy, ang nag iisang bestfriend ng highest paid androgynous supermodel na si Lucky Gonzaga. Oo ako nga mga seshie! AKO NGGGAAAHH! AKO SI...
TOINK!
Aray! Nadapa ako mga seshie naapakan ko kasi ang mahabang laylayan ng night gown ko. Hayaan niyo muna akong hawiin ang puting kurtina ng malaking bintana ng kwarto ko. Dito ko gustong mag emote at ikwento sa inyo ang mga masasakit na alaala ko..
Isang masakit na alala alang ayoko na sanang balikan pa. Higit na masakit pa sa mga gluthatione na ininject sa balat ko na hindi naman umepekto. Ganern kasakit mga seshie! Do you feel me?! Malamang hindi kasi hindi niyo naman na experience magpaturok ng mamahaling gluthatione ko. Chos!
Yun na nga isang araw nagkaroon kami ng heart to heart talk ni daddy. Heart to heart talk na muntik ng mauwe sa pag atake ng sakit sa puso ni daddy. Katakot takot ang mga sermon ang inabot ko sa kanya mas nakakatakot pa sa mga selfie pictures namin ni Marlon na nasobrahan sa filter.
Maygad! My dad is getting into my nerves! Charos! Paano ba naman mga seshie pinipilit niya akong magtrabaho o magsilbi sa gobyerno tulad ng mga kamag anak naming halos naninilbihan sa kung ano anong sangay ng local na pamahalaan sa probinsiya namin sa Samar. Sa kagustuhan ni daddy na sumunod ako sa yapak ng mga pinsan ko umabot pa ako sa puntong kumuha ako ng Civil Service Examination. Well, kilala niyo si Andres Bolivar Jr. beauty and brain so yun minani ko lang ang exams at naipasa.
Ngunit wala sa paninilbihan sa bayan ang puso ko. Ipapaubaya ko na sa pamilya at mga kamag anak ko ang mga yun. Sa ngayon kailangan ko munang hanapin ang sarili ko. Huwag lang siguro akong maliligaw sa dilim baka ang pamilya ko naman ang mahirapang hanapin ako. Ayokong maisali ang pangalan ko sa mga missing persons. Eme!
Hindi ko rin naman masisisi si daddy kung sinuwerte siyang magkaroon ng isang anak na diyosa. Isang karangalan yun sa pamilya namin. Naniniwala kaming mga diyosa at half mortal na may importante kaming papel na gagampanan sa mundong 'to. Yung tipong kakaiba at kahindik hindik na mga bagay. Bwahahahaha!
At ng sabihin ko yun kay daddy... sinalo ng matambok na mukha ay mga bukas ng pores ko ng buong puso ang lumipad na palad ni daddy. Siyempre dapat pang Maalaala ang eksena ko kaya dumausdos pa ako kunwari sa sahig. Unti unting tumulo ang mga luha ko sa mga mata medyo natagalan lang ng dumaloy ito sa pisngi ko alam niyo na madaming dinaanang butas. Charot!
"Hanggang kailan ka magiging ganyan Andres! Kahit kailan hindi kana nagtino!" galit na wika ni daddy matapos niya akong sampalin. Nung una nag alala talaga ako baka magalusan ko ang kamay ni daddy.
Pero dahil ipinanganak akong may dugong drama princess...
Todo ang emote ko mga seshie. Pang MMFF ang acting ko kahit si daddy dalang dala sa eksena. Ganyan tayong mga bida mga seshie dapat nagpapaapi muna tayo sa una.
"Hindi naman sa gano'n, Dad. Alam ko namang kahit na anong mangyari, mahal na mahal niyo 'ko e.
Pero ako ho kasi yung may problema. Ako yung hindi makatanggap na ganito na lang ako... Na hindi ko narating lahat ng mga pangarap mo sa 'kin, dad. Na ako talaga yung kulelat sa lahat ng mga anak mo. Na kahit ano'ng gawin ko hindi ako magiging kasinggaling ni Bobbie." Nakita ko ang reflection ko sa malaking salamin ng kwarto ko. Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil ang galing ko umanggulo. Sakto lang sa frame ng camera at hindi ako nagbuckle sa line ko.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...