CHAPTER 30 - LIGHT OFF OR LIGHTS ON?

1.4K 60 12
                                    



Lucky Gonzaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lucky Gonzaga


Kenneth Ang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kenneth Ang


CHAPTER 30 

LUCKY'S POV

"HAPPY BIRTHDAY!" napangiti ako dahil alam kong ngiting ngiti na naman siya ngayon habang kausap ako.

"I miss you Wesley. Sorry kung hindi tayo masiyadong makapag bonding this week. Alam muna yung pinsan mo napapa praning parati." Napailing na kwento ko.

"I know kaya nga hindi rin ako masiyadong nagpapakita sayo." Natatawang sagot niya. Bahagya akong nalungkot sa sinabi niya. Pesteng Rabbit napaka seloso kasi eh.

"Kamusta ang party ni Kenneth nag e-enjoy ba ang mga kaibigan ko sa party niya?" pagiiba ko ng usapan.

"Oo magkakasama kami kanina, tapos kausap nila yung Daddy ni Kenneth bago ako umalis."

"U-Umalis? Bakit saan ka pupunta birthday ng pinsan mo tapos may lakad ka?" Nagtatakang tanong ko.

"Papunta ako ngayon sa venue ng party mo." Excited na tugon niya. "Actually nasa biyahe na ako saan pala yun banda?"

"H-Hah?" Natulalang sagot ko. Ang totoo nahihiya talaga ako na imbitahan sila sa party ko. Hindi kasi ito tulad na party na gusto nila na ginaganap sa mga hotels, bars o restaurant. Simula pagkabata palagi naming sine-celebrate ang birthday ko sa mga baranggay hall, covered courts, at sa mga bahay ampunan na tinutulungan nila Nanay at Tita Jack.

Kaya nga nitong mga nakalipas na araw alangan akong ayain ang mga kaibigan ko kaya pinilit ko na lang silang umattend sa party ni Kenneth atleast dun mag e-enjoy sila sigurado.

"L-Lucky, Are you still there? I'm asking you where's the exact venue? Anong hotel o restaurant kayo? Malapit na ako tanaw ko na yung Fisher Mall."

"Wesley sa Jollibee ka pumunta dun ang venue ng party ko." Mahinang sagot ko at napapikit pa ako dahil inaantay kong tumawa siya.

"Seriously? Hindi ko alam na mahilig ka sa Kiddie Party?" Biro niya sa kabilang linya at napakamot nalang ako sa ulo. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon