CHAPTER 32 - ANDRES BOLIVAR JR. IS COMING TO TOWN.

1.2K 87 28
                                    


Author's Note:

Para sa nagmamaganda kong friend na pinag kunan ko ng pangalan ni Ridz Meneses... Of course Ridz din name niya hahaha! dhamyx


CHAPTER 32 

ANDI'S POV

Kinabukasan kabado parin akong pumasok sa campus. May usapan kaming magkikita kita nalang sa gate para sabay sabay kaming maglalakad sa papasok ng campus. Hindi parin kasi ako kampante at may kutob akong gaganti at gaganti parin ang grupo nila MJ.

"Ses, kinakabahan ako bilisan nating maglakad." hinawakan ako ni Marlon sa braso. Pinagtitinginan kaming tatlo habang naglalakad sa pathway. Panay ang bulungan ng mg astudents na nadadaanan namin maging ang mg anaka upo sa mga bench pinag uusapan na kami.

"Kalat na kalat na sa iba't ibang web portals ng Carlisle ang nangyare kay Lucky kagabe. May nagpost kasi ng picture niya habang isinasakay sa ambulance kagabe." Kwento ni Marlon samin ni Ytchee. Pinaggitnaan namin siya dahil sa aming tatlo siya ang pinaka matatakutin.

"Nainis ako kagabe dahil pati yung bugbog na mukha ni Lucky ipinost pa nila. Hindi ko alam kung saan galing yung picture na yun at kapag nalaman ko kung kanino galing yun ipapalunok ko sa kanya ang cellphone na ginamit niya." Gigil na gigil na sagot ni Ytchee napalingon ako saglet at hindi ko na naintindihan ang mg asumunod na sinabi niya.

"Ang problema lang naten kapag binaliktad na naman ni MJ ang mga kwento niya." Naiinis na sagot ni Marlon.

"Tss, subukan niya at ibabaliktad ko ang lahat ng mga lamang loob bago ko ibilad sa gitna ng soccer field." Ayaw paring magpaawat ni Ytchee at halos balyahin na kami ni Marlon sa sobrang inis niya.

"Hindi mposibleng gagawin niya ulet ang mga nakaugalian niya na noon. Sigurado akong nakaisip na sila ng paraan para ibaliktad ang sitwasyon at palabasing si Lucky ang may kasalanan ng lahat." Malungkot na sagot ni Marlon.

"Isa sa mga member ng board ang lolo ni MJ kaya siguradong mahihirapan tayo. Pero kailangan nating magpakatatag at lumaban mga seshie. Wala tayong ibang choice kundi lumaban para sa nakaratay na kaibigan naten. Sawang sawa na ako sa walang katapusang paghihiganti at galit ni MJ. Kailangan matapos na ang lahat ng yun dito dahil pagod na pagod na ako linggo linggo nalang parati tayong may bagong problema." Sumusukong sagot ko at napahinto ako sa paglalakad.

"Tama ka Andi. Kawawa naman si Lucky at sa pagkakataong ito hindi na ako aatras at iiwan siya sa walang katapusang laban niya. Nang makita ko siya kagabe sa hospital parang gusto kong gilitan sa leeg ang mga gumawa nun sa kanya. Ano masaya na ba sila dahil nakapanakit at nakaganti na siya? Ikinaputi ba ni MJ ang paghihiganti niya? Habang nandito siya at nandito tayong apat walang katapusan ang alitan sa pagitan nila ni Lucky. Kailangan na nating tuldukan ang alitan nila ngayon Andi." Hinawakan ako ni Ytchee sa balikat. Kung ako lang ang masususnod inilibing ko na ng buhay ang maitim na katawan ni MJ sa gitna ng strawberry farm sa Baguio eh.

"Tama mga ses. Kailangang may nag give up sa atin. Handa akong umalis at lumipat ng ibang school kung kinakailangan. Hindi na kakayanin ng konsensya ko kung may mangyayari pa ulet kay Lucky. Itinaya niya ang sarili niya para sa ating mga kaibigan niya. Ngayon tayo naman ang lalaban para sa kanya." Naiiyak na wika ni Marlon inakbayan siya ni Ytchee at nagtuloy kami sa paglalakad.

"Its either them or us." Mariing sagot ni Ytchee habang nakatingin sa mga Pink Rangers na kasalukuyang naglalakad at pinangungunahan ni MJ. Kumaway pa sila samin na parang walang nangyare kagabe.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon