CHAPTER 60 – 2
LUCKY'S POV
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanilang mag ama sa kwarto ni Kenneth. Pagbukas ko ng pinto napaatras pa ako ng bahagya dahil nakita kong rumarampa si Kenneth sa loob ng kwarto na tanging kulay itim na boxer brief ang suot.
Para akong pinupulikat at hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Iniisip ko kung tama pa bang ituloy ko ang pagpasok sa loob ng kwarto. Nagde-debate ang lahat ng parte ng katawan ko kung aatras ako pabalik o isasara ko ang pinto. Ngunit bago ko pa maisagawa ang nasa isip ko nagtama na ang mga mata namin pareho.
Para akong walang kwentang bagay na dumaan sa paningin niya at hindi man lang ako pinagtuunan ng pansin na nasa loob ako ng kwarto niya. Kinanti niya ang supermodel pride ko. For the past five years nasanay na akong pinagkakaguluhan ng mga tao sa tuwing nakikita o nakikilala ako. Kahit mga kapwa ko modelo o mga celebrities hindi napipigil ang tuwa kapag nakikita ako. But not this one.. Kenneth James Ang knows he's worth. Hindi man siya sikat na celebrity pero sanay siyang pinagkakaguluhan ng mga babae at mga bakla noon pa.
If this man hasn't change for the last five years maybe he's mind still works the same. This guy knows how tease me. At ngayon kung hindi ako nagkakamali, i think he's trying to seduce me.
Naging extra challenge para sa akin ang paglunok ko ng laway na may halo atang bubog sa bawat paglulon ko pababa sa nangangating lalamunan ko. Hindi man lang siya nag alinlangan irampa ang kahubdan niya sa harap ko. Well with that great body any man could be very proud to flaunt it infront of anyone.
Pinagpapawisan ako ng malagkit ng matuon ang atensiyon ko sa namamawis at namimintog na four pack abs niya. Bakit ba ako natatarata sa nakikita ko, kung tutuusin hindi na bago sa akin ang ganitong tanawin dahil immune na ang mga mata ko sa mga hubad na katawan ng mga kapwa ko modelo noon pa sa tuwing may mga runway shows kami. At dahil parte iyon ng trabaho at bilang propesyonal wala iyong halong malisya.
Pero bakit pagdating sa taong 'to nagiging malisyosa ako? Parang ganito rin ang naging reaction ko noon ng mapanuod ko si Edward Cullen sa The Twilight Saga: Newmoon. Halos hindi yun mabura sa maruming isipan ko ng lumabas siyang naka topless sa Volterra para i-expose sa lahat ng mga taong naroroon ang maaring mangyare kapag nasinagan ng araw ang katawan niya. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun dahil pinagalitan pa ako ni nanay kakatili ko ng makita ko ang four pack abs ni Edward Cullen.
At sa naaalala ko, si Bella Swan ang nagligtas kay Edward para hindi niya tuluyang i-expose ang sarili niya sa iba. Salungat sa kalagayan ko ngayon, mukhang ipapahamak pa ako nga ata ako ng sarili ko sa nakikita. Hindi ako si Bella Swan para gayahin ang stunt na ginawa niya para kay Edward Cullen sa Twilight. Hindi ko rin ugaling ipaglaban ang isang bagay na kusang bumitaw sa kamay ko kahit na gaano kahigpit ang hawak ko.
Inagaw ng tumatakbong si Luke ang atensiyon ko. Tss, mag ama nga sila hilig nilang ibalandra ang mga katawang lupa nila sa harap ng ibang tao. Of course kagaya din ng ama tanging cute na printed Marvel Superheroes na brief ang suot niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa kakyutan niya.
"Sasabay ka na ba sa daddy mo maligo o papaliguan pa kita?" nakayukong tanong ko sa harap niya. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko at ilayo ang isip sa kahubdan ni Kenneth.
Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni Kenneth.
"B-Both?" pilyong sagot niya at sabay tumawa.
"Ahh—ganun gusto mong kurutin ko yang ninja sword mo?" mabilis ko siyang kinarga at ipinatong sa ibabaw ng kama ni Kenneth. Pinaulanan ko siya ng halik sa dibdib, tiyan at kili kili. "Patingin nga ng ninja sword mo baby love?" agad niyang tinakpan ang harapan niya.

BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...