CHAPTER 35 - JUST ADD SALT

1.3K 72 8
                                    




CHAPTER 35 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 35 

KENNETH'S POV

Late na akong nagising kaya halos natataranta akong nag shower at halos hindi ko na nginuya ang pagkaen sa kakamadali dahil maghahanda pa ako ng mga dadalhin ko sa hospital. Abalang abala ako sa pagpili ng mga dadalhin kong damit sa harap ng closet ko ng biglang tumunog ang pinto ng kwarto ko hudyat na may taong pumasok.

"D-Dad?" Napalingon ako saglet habang ipinapasok ang huling t-shirt sa gray adidas duffle bag ko.

"Son, can we talk for a minute?" Nag aalangang bigkas niya papalapit sa kama ko kaya inilipat ko nalang ang mga gamit ko sa ibabaw ng kama.

"Yes dad about what?" Mabilis na sagot ko dahil nagmamadali na ako. Umayos ako ng tayo at hinila ang upuan sa harap ng study table ko paharap kay daddy.

Pinagkiskis pa ni daddy ang kamay bago umupo sa kama ko bago nagbitaw ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam pero nakaramdam ako na parang may kakaiba.

"Its actually about Lucky." bungad ni dad pagka upo. Napatingala ako at pinuno ko ng hangin ang bibig ko at saka dahan dahang ibinuga pagbaba ko ng tingin.

Sinasabi ko na inaasahan ko na ito nung isang araw pa. Alam kong hindi rin madali para kay daddy na tanggapin na ang ka isa isahang niyang anak na lalake ay makikipag relasyon sa kapwa niya lalake.

Kilalang businessman si daddy sa bansa dahil sa mga hotel business namin. Ilang beses na siyang na parangalan at na feature sa iba't ibang business magazines dahil sa pagiging successful niya sa loob at labas ng bansa. Kaya alam kong mahirap para sa kanya na mapahiya sa mga business partners niya kung ang nag iisang taga pagmana niya may karelasyong lalake.

"Dad i'm really sorry. Alam ko pong hindi magiging madali para sa inyo na tanggapin ang relasyon namin Lucky. I love him dad and i can't live without him." Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi ko. Mahal na mahal ko si Lucky at hinding hindi ako makakapayag na paghihiwalayin nila kami kahit alam kong bawal ang relasyon naming dalawa.

"I know my son. But are you really sure about about how you feel about him? Baka naman infatuation lang yan or something." Kunot noong sambit niya na ikina ikot ng pwet ko sa malambot na upuan.

"Dad, i know how i feel." Hindi mapigalang bulalas ko sa harap niya.

"Nagka girlfriend ka na ba before aside from Lucky?" hamon niya at hindi agad ako nakasagot.

"None." Mahinang sambit ko. "The truth dad is wala sa plano kong pumasok sa isang relationship. Kuntento na ako sa sarili ko hindi ko kailangan ng ibang tao para mapasaya ako. And then i met him.."

"Is that so? But why?" punong puno ng pagtataka ang mukha ni daddy.

"What do you think dad? How can i give love to someone if i don't feel loved at all dad?" sarkastiko akong napangiti sa harap niya dahil alam kong alam niya ang eksaktong tinutukoy ko. No offense to my grandparents who loved me as their own.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon