CHAPTER 66 - SUPERMAN

1.1K 65 19
                                    

CHAPTER 66 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 66 

LUCKY'S POV

Nagising ako ng maramdaman ko ang malamig na tubig na ibinuhos sa mukha ko. Pagmulat ko para akong may malalang hang over habang umiikot ang paningin ko dala ng pagkahilo. Malakas akong napasinghap kasabay ng pagsabog ng malakas na ubo ng muli na naman akong binuhusan ng isa malamig na tubig sa mukha. Malakas na nagtawanan ang dalawang lalake sa harap ko.

Dinaig ko pa ang nilublob ang ulo sa tubig sa dami ng tubig na nainum ko. Kinakapos ako ng hininga sa kakaubo at unti unting naninikip ang dibdib ko. Pilit kong inaaninag ang mga tao sa harap ko ngunit masiyado silang malabo sa paningin ko dahil pinasok din ng malamig tubig ang mga mata ko.

"Boss!" umalingawngaw ang boses ng isang lalake. Nanlabo din ang pandinig ko dahil pinasok din ng tubig ang kaliwang tenga ko.

"Gising na siya boss!" panibagong boses naman ng isang lalaki ang nagsalita at sinabayan ng tunog ng parang nag high five. Sobrang droggy ng pakiramdam ko, ganitong ganito yung feeling ko noon nung bumaba kami ni Wesley sa Space Shuttle sa Enchanted Kingdom.

"Earth to Lucky?!" maarteng wika ng pamilyar na boses ng babae na kumu-kumpas kumpas pa ang isang kamay sa ere. At ng bumalik sa wasto ang paningin ko nag magtama ang mata namin ni MJ Belmonte na walang kasing tamis ang pagngiti sa harap ko. "Oh dear, i've been waiting for you to wake up.. mukhang nag e-enjoy ka na atang matulog." Napahawak pa siya sa magkabilang pisngi niya habang nakayuko sa harap ko na tila kaaya aya sa tenga ang mga sinabi niya. Siya kaya ang pasinghutin ko ng isang bote ng kemikal na pampatulog at buhusan ng tubig sa mukha para malaman niya rin kung bakit. "Its so great to be back." at mabilis na lumipad ang palad niya sa basang mukha ko. Inaasahan ko na yun at sa tindi ng galit niya sa akin alam kong mas matindi pa ang aabutin ko sa kamay niya ngayon. Singbilis ng plantsang de uling na nag init ang pisngi ko at bago ito namanhid. Wala akong kalaban laban dahil parehong nakatali ang mga kamay at mga paa ko habang nakasalampak ng upo semento.

"Pfft!" dumura ako ng may halong dugo sa harap niya, muntik na siyang matumba sa pag ilag at ng makabawi saka niya ako sinipa ng paulit ulet sa sikmura. Walang sinabi ang ubo ko kanina, dinaig ko pa ang ubo ng taong may tuberculosis. Halos isuka ko ang mga kinaen ko kanina habang paulit ulit akong umuubo habang namamaluktot sa maruming semento. Hindi pa siya nakuntento dahil hinablot niya ang buhok ko sa likod at pilit akong inupo.

"Ano lalaban ka?! Lalaban ka!?" nanggagaliting sigaw niya habang winawasiwas ang ulo ko habang sinasabunutan. "Sumagot ka kapag tinatanong ka!" at bigla akong sinapak sa mukha. Literal na umikot ang paningin ko sa lakas ng suntok na yun. Naningkit agad ang kanang mata ko dahil sa pamamaga. Itinulak niya ako ng malakas kaya napasandal ako sa magkakapatong na karton. Pilit kong tinitipon ang laway sa bibig ko dahil sa unti unting natutuyo ang lalamunan ko. Wala akong malasahan kundi ang lasang kalawang na dugo sa bibig ko.

"E-E di k-kalagan mo k-ko.. para m-m-magkaalaman tayo." Kahit paputol putol ang sagot ko dahil sa pag ubo hindi ko parin maiwasangmapangisi sa harap niya. Hindi ko ipapakitang talunan ako sa harap ng babaeng 'to. Kung lakas niya ang makitang naghihirap ako, pwes lakas ko din ang ipakitang hindi ako basta sususko at magpapatalo. Kahit hirap pilit kong inaangat ang ulo ko paharap sa kanya. Sa tindi ng inabot kong pananakit sa kanya ngayon mukha atang wala na siyang planong buhayin pa ako.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon