CHAPTER 52 - 50/50

1K 47 26
                                    





Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


KENNETH'S POV

Pabagsak akong humiga sa kama. Sapat na siguro ang dami ng nainum ngayon para mamanhid ang buong sistema ko para makalimot ako kahit sandali. Alak nalang ang nakakaintindi sa kung anumang pinagdadaanan ko ngayon. Bakit ba ang hirap para sa kanyang intindihin ang kalagayan ko? Hindi ko naman 'to ginusto, 'ni wala nga akong maalala ng gabing yun pagkatapos naming uminum.

Nagawa ko lang naman ilihim ang bagay na yun dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Kahit naman siguro sinong nasa kalagayan ko baka ganun din ang gagawin para maisalba ang relasiyong pinaka iingatan nila. Ayokong maghiwalay kami. Ayokong hihiwalayan niya ako. Ayoko at hindi ko kaya. Ayokong isipin na tatakbo ang mga araw na hindi kami magkasama.

Sinungaling. Oo sabihin na niyang ako ang pinakasinungaling ng tao sa mundo pero ginawa ko lang naman ang pagsisinungaling na ito para maiwasang masaktan siya. At ang saktan siya ay hindi ko intensiyon. Alam kong mali ang ginawa ko pero yun lang ang tanging paraang alam ko para maisalba ang relasyon namin ni Lucky.

Umiikot ang paningin ko. Hindi ako uminum para makalimot, uminum ako para makatulog. Ilang araw na akong nakahiga at tulala magdamag kakaisip. Kahit anong gawin ko mukha parin niya ang paulet ulet naglalaro sa isipan ko. Kahit anong pikit pa ang gawin ko siya parin talaga ang huling imaheng naiiwan sa utak ko. Inuusig na ba ako ng konsensiya dahil sa ginawa ko o talagang hindi ko kayang mabuhay ng wala siya? Naguguluhan na ako.

It's been 9 days. 9 days of loneliness. 9 days of torture. 9 days burning in hell.

At ngayon hindi na talaga ako makatiis. Gusto kong marinig ang boses niya. Ilang araw ko na siyang sinusubukang tawagan pero parating naka off ang phone niya. Nagbakasali akong i-dial ulet ang number niya kahit alam kong malabo. Pumikit ako at humiga sa kama.

"H-Hello?" nagulat ako ng may sumagot sa kabilang linya. " Hello Lucky?" sinilip ko ang screen ng phone ko ar muling ibinalik sa tenga ko."Yab!? Yab! Yab!" Nagulat ako ng bigla niyang sagutin ang tawag ko sa ilang beses kong pag aattempt na tawagan siya last week. Agad akong napabangon sa kama at umupo. Parang magdikit lang ang puso at tenga ko. Dinig na dinig ko ang bilis ng pagtibok nito na halos ikabingi ko. Sinipa ng sayang nararamdaman ko ngayon ang amats sa buong sistema ko kanina lang.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon