CHAPTER 12
KENNETH'S POV
Sunday.
Nagising parin ako ng maaga kahit late na akong nakauwe. Hindi parin mawala aa isip ko ang mga ginawa namin ni Lucky kagabe. I was blown away of that amazing experience. Never in my wildest imagination that i would ever experienced all of that from Lucky.
Para akong tanga na nagpapaikot ikot sa kama. Naisip kong yayain siyang lumabas para magsimba o kaya manuod ng sine. Pero baka tulugan ko na naman siya at awayin na naman niya ako. Mamasiyal na lang kaya kami? Bahala na. Hindi na ako nakatiis at mabilis kong dinampot ang cellphone ko sa tabi ng lampshade at mabilis kong denial ang number niya.
Sa pang apat na ring niya sinagot ang tawag ko.
"Y-Yab?" Antok na antok na sagot niya. The sound of his voice makes my heart flutter so fast. Palaging sumisingit sa isip ko yung ginagawa namin kagabe.
"Morning Lu." Nakangiting bati ko sa kanya habang nakadapa ako sa kama.
"Tulog pa tayo Yab. Antok pa ako eh." Mahinang sagot niya.
Tss, hindi man lang siya na excite na ako ang tumatawag sa kanya ng ganito ka aga.
"Umaga na Lu, gising kana sabay tayo mag breakfast." Nakangiting bungad ko sa kanya.
"S-Sabay? Nandito ka bahay?" nagising siya ng tuluyan at mukhang napabangon pa siya sa kama.
"Hahaha! Wala, ang sabi ko sabay lang tayo kumaen kaya tumayo ka na dyan."
"Ayoko, maaga pa." Inaantok paring sagot niya.
"Hindi mo ko namimiss?" napanguso ako bigla.
"Hindi." Casual na sagot niya.
"Seriously?" Gulat na sagot ko at napaupo ako sa kama. Nag uumpisa na akong mainis.
"Joke lang! Siyempre miss na miss na kita sa monday pa tayo magkikita eh." At naghikab siya ng mahaba.
"Gusto mo magkita tayo mamaya pagkatapos ng mga lakad ko." Kunwaring alok ko. Ang totoo wala naman akong lakad gusto ko lang isipin niya na busy ako ngayon bilang alibi dahil gusto ko rin siyang makita.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
JugendliteraturNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...