CHAPTER 34 - ABEYGA GUPALA KO

1.5K 72 17
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


-SORRY MGA SESHIE MAY SAKIT KASI AKO KAYA HINDI AKO MAKAPAG WATTPAD. Kailangan ko ng KISSPIRIN at YAKAPSUL! Huhuhu 

- cyborgmomo


CHAPTER 34

LUCKY'S POV

"L-Lucky! Lucky wake up! Don't you dare loose on me! Lucky! Lucky! Don't close your eyes. Don't close your eyes please stay with me." Humagulhol na iyak si Kenneth at nagbagsakan ang mga luha niya sa mukha ko.

'NAKNAMPUTCHA NAMAN OH! SINABING HUWAG KANG IIYAK SA HARAP KO EH!'

Hindi niya ba alam kung gaano kahirap sa loob ko na makita siyang umiiyak? Parang binibiyak ang dibdib ko sa sakit kapag ginagawa niya yan sa harap ko. Wala na akong lakas pa para humugot ng kung ano mang emosyon sa kundisyon ko ngayon. Para akong lantang gulay sa harap ni Kenneth, kahit igalaw ang mga daliri ko hindi ko na kaya dahil hinang hina na ako. Umiikot ang paningin ko sa sobrang pagod at sakit ng katawan. Ang bigat bigat na ng talukap ng mata ko at gustong gusto ko ng ipikit ang mga ito pero gusto ko pang makita ang Rabbit ko.

"Y-Yab.." Gusto ko pa sanang magsalita pa, batukan at sigawan siya ng paulet ulet dahil mas nahihirapan ako kapag nakikitang umiyak siya sa harap ko. Pero simut na simut na ang natitirang lakas ko hanggang bumigay na ang katawan ko at balutin ng dilim ang paningin ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawala o nakatulog pero sigurado akong nasa ospital ako ngayon. Walang duda yun sa tindi tinamo kong bugbog sa mga walang hiyang yun. Ano kayang nangyare sa mga kaibigan ko? Malamang binungangaan na naman ni Andres at Ytchee ang mga yun kapag nakita nila ang itsura ko ng mga oras na yun.

Ilang beses kong sinubukan idilat ang mga mata ko ngayon pero ayaw sumunod ng katawan ko sa idinidikta ng utak ko. Dala siguro ito ng sobrang pagkabugbog at mukhang nalamog ang katawan ko. Wala parin akong sapat na lakas para utusan ang katawan kong gumalaw kahit papaano. Wala akong maramdamang sakit o kirot sa mga natamo kong sugatpara akong nagpapak ng anaesthesia kaya namamanhid ang buong katawan. Tanging ang diwa ko ko lang ang gising, malinaw akong nakakapag isip at para akong nasa isang malalim na panaginip.

Uhaw na uhaw ang pakiramdam ko at para akong naglakad ng ilang oras sa ilalim ng mainit na araw. Gusto kong uminum ng litro litrong tubig dahil tuyong tuyo na ang lalamunan ko.

Pakiramdam ko nasa tabi ko lang si Kenneth ngayon dahil naamoy ko ang paborito kong pabango niya. Parati ko rin siyang naririnig na dumadaldal sa tabi ko. Kalalaking tao pero mas madaldal pa sa saken. Pero siyempre saken lang niya ginagawa yun. Ibang iba ang personality ni Kenneth kapag ibang tao ang kaharap niya at kapag ako kasama niya. Dun lang kasi lumalabas ang kakaibang side niya ang pagiging isip bata, kakaibang kulit at pagiging iyakin niya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon