Author's Note:
Ang kabantang ito ay Rated SPG. Striktong Patnubay at Gabay ng mga magulang, Lolo at Lola, Ninong at Ninang sa first communion o kapitbahay ang kinakailangan. Kailangan din 20/20 ang vision ng mambabasa at hindi gaanong ma elya. Dahil ang kabanatang ito ay maaaring may maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sexual, horror, o droga na hindi angkop sa mga isip bata. Pumikit lang kayo kapag masiyado ng malaswa ang binabasa. Pindutin ang screen ng phone hindi ang ari. Char! Enjoy reading guys! - cyborgmomo
CHAPTER 11
LUCKY'S POV
"Kenneth! Kenneth wait!" humahangos na habol ko sa kanya sa parking lot.
'Kingenang yan hindi ako sanay tumakbo ng nakatakong eh.'
"Leave me alone!" galit na sigaw niya ng makalapit ako kung saan naka park ang kotse niya.
"Please, kausapin mo ko. Mag usap muna tayo." Hinawakan ko siya sa kamay pero mabilis niya binawi ang kamay niya.
'Masiyadong pabebe ang boyfriend ko madalas mainit ang ulo parang laging may mens, Maygad!'
"Kenneth pakinggan mo naman yung side ko. Asan na yung pangako mong hahabaan mo pa ang pasensiya mo?"
"Hahabaan? Putangina naman Lucky! Sa tuwing hinahabaan ko ang pasensiya ko sayo lalong humahaba ang kasalanan mo!"
"So sumusuko ka na? Ayaw muna talaga dahil palagi kitang binigbigyan ng problema?"
"I won't give up on you that easily Lucky. I just wanna be alone right now. I need space to think this through." Pagmamatigas niya sa gusto niya at yun ang hindi matanggap na masokistang puso ko.
'SPACE? KINGENANG YAN! KUNG PWEDE KO LANG IPATAWAG SI YDA NG SHAIDER IPAPADALA KO 'TO SI KENNETH SA TIME SPACEWARP NI KUUMA LE-AR EH!'
Ang time spacewarp ay ang lugar kung saan nagiging higit na makapangyarihan ang mga halimaw ni Kuuma Le-ar.) Time Space Warp... NGAYON DIN!!!
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Teen FictionNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...