CHAPTER 19 - ALL ABOUT THE BASE

1.4K 51 16
                                    


I know its no fun to be sick. So have all your medicines in time and get well soon seshie... @GraceSalvador1


CHAPTER 19

WESLEY'S POV

Wala akong ginawa the whole day kundi ang humiga at magpaikot ikot sa kama. Hindi na ako pumasok dahil wala naman kaming ibang gagawin sa school dahil sa mga activities sa foundation day. At isa pa hindi pa ako handang makita o makausap si Lucky. But i miss him so badly..

Wala akong sakit pero hinang hina ako. Wala akong ganang kumaen o kumilos.

Maya't maya ko ring tinitingnan ang phone ko kong may bagong text message siya. Kagabe niya pa ako tinatawagan at tine-text pero wala akong sinagot dun maski isa. Kahit na kating kati ako na replyan siya.

Naalala ko yung sinabi niya noon. Hindi raw siya pala text o pala tawag dahil naka prepaid lang daw siya. Madalas wala siyang load dahil wala naman daw siyang ka text. Pero dahil alam niyang galit ako inuulan niya ako ng text at tawag.

Pero sa tuwing naiisip ko na magkasama sila ni Kenneth hindi maiwasang umiinit ang ulo ko.

Akala ko na mali ang dinig ko sa sinabi niyang sila na. Husay talaga niya sa timing sa mismong araw pa ng kasal namin ni Lucky. Gusto ko siyang sapakin ng paulet ulet hanggang maglaho siya. But its too late ayokong ipahiya si Lucky kung magwa-walk out ako ng mga oras na yun.

He's so unfair. Both of them lied to me and it really hurts.

Lahat ng bagay na sa kanya na pati ba naman ang kaisa isang taong nagustuhan ko makukuha niya pa.

I can't stop cursing him on my mind. Hindi ko naman pwedeng sabihin na trinaydor niya ako because i'm fully aware of what he feels towards Lucky way back in Baguio. Masama lang siguro ang loob ko dahil sila na, na dapat kami. Una kong nakilala si Lucky. Una siyang naging akin pero bakit ngayon na sa kanya?

May mali ba sakin? May kulang ba sa akin? Anong meron siya na wala ako? Yung pagiging masungit, misteryoso at moody ba niya ang nagustuhan ni Lucky?

'Psh! Yun ba ang gusto niya? Kaya ko din gawin lahat yun.'

Kaya kong gawin ang lahat ng ginagawa ni Kenneth pero kapag kaharap ko si Lucky nag iiba ang mood ko. Wala akong ibang iniisip kundi mapangiti siya dahil sa tuwing tatawa siya sa pangungulit ko tumatalbog talbog ang puso ko sa saya.

Pakiramdam ko napaka espesyal ko at ang gwapo gwapo ko sa paningin niya.

Lalo na nung hinalikan niya ako sa lips parang gusto kong hapitin ang batok niya at magpakasawa sa bibig niya. Nanlalambot ang tuhod ko sa sobrang kaba.

He taste so sweet. Kung hindi nga lang maraming nanunuod baka siniil ko ng mariin ang labi niya. I want more of that kiss, but how?

Nag kiss na kaya sila ni Kenneth. Fuck! Parang pinipiga ang puso ko sa nakita kong imahe nila sa utak ko habang nagkikiss. Iniisip ko pa lang mamatay matay na ako selos.

First love ko si Lucky at gusto kong umiyak kapag iniisip kong sila na nga talaga. Ang sakit sakit. Hinang hina na ako kakaisip kung anong gagawin ko para maagaw siya at bumalik siya sakin.

Damn you Kenneth!

Kinabukasan matamlay at wala sa sariling naglalakad si Wesley sa campus. Lahat ng mga estudyanteng madaanan niya ay kumakaway at binabati siya pero wala siyang pinansin maski isa sa kanila.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon