CHAPTER - 56
YTCHEE'S POV
5 years later...
"Pisti ka Andres ayusin mo yang ginagawa mo siguraduhin mong ako ang pinaka gwapong nilalang na makikita ng mahal kong si Bonnie mamaya!" Singhal ko sa kanya habang abala siya sa pag aayos ng damit ko sa harap ng malaking salamin.
"Ano ka ba Fingerella hanggang ngayon ba wala ka paring bilib sa kapangyarihan ko?" Binatukan niya ako ng mahina sa ulo. "Si Andres Bolivar Jr. ata ang nag aayos sayo ang wardrobe stylist ng mga sikat na celebrities!" Pagmamalaki niya sa napiling prospesyon. Alam ko naman yun, three years ago matapos niyang bumalik galing sa isang taong "paglalayas kuno" lumikha ng ingay ang pangalan niya sa local showbiz industry dito sa bansa.
"Oo nga naman Ytchee wala kabang bilib kay ses Andi? E halos magkandarapa na sa kanya ang lahat ng mga sikat na celebrity dito maging kliyente lang niya." kampi ni Marlon sa best friend kong hindi na nagbago ang kulay mula ng ipinanganak siya. Siyempre pumalakpak na naman ang tenga ni negra. Namula naman ng bahagya ang balat niya matapos niyang bumalik galing sa paglalayas. Yun nga lang nagmukhang malutong na balat ng letchon ang kulay niya.
"May tiwala naman ako.." bahagyang pagsang ayon ko. "..dahil kung hindi patong patong na kaso ang ihahabla ko sa bayot na 'to!" Duro ko sa kanya sa harap ng salamin. Napaubo ako ng malakas ng higpitan niya ang pagkabit ng bow tie hanggang sa leeg ko.
"Oo na Attorney Araullo!" Sinakal niya pa ako ng mahina at tumawa naman ng malakas si Marlon. You heard it right isa na akong ganap na abugado. Hahahaha! Matapos ang mahaba at madugong pag aaral ko ng law, ipinagmamalaki at ipinag yayabang ko talaga sa mga bukas na pores ng dalawang 'to na ako ang naging topnotcher sa bar exam ngayong taon.
At sa sobrang lucky ko... Aherm! Sa sobrang swerte ko pala, sa loob ng limang taon relasiyon namin ni napapayag ko din siya sa wakas na pakasalan ako. Its actually a wedding rite or a symbolic ceremony. Lakas ko maka Aiza Seguerra 'noh? Isang friend ko sa UP Diliman ang nag refer saken sa LGBTS Christian Church, its a small Christian ecumenical group that supports lesbian, gay, bisexual and transgender people. LGBTS Christian Church's Rite of Holy Union — "the spiritual joining of two persons in a manner fitting and proper by a duly authorized clergy" Ngayong ikakasal na ako pakiramdam ko hindi lubos yung sayang nararamdaman ko.
"Oh bakit biglang nanahimik ka? Hindi kapa ba masaya sa lahat ng mga blessings na nakuha mo this year?" Si Andres habang inaayos ang ilang butones sa white suite ko. Napatitig ako sa mukha ko sa harap ng malaking salamin. Anong namang dahilan para hindi ako maging masaya? Lahat ng paghihirap ko lahat nagbunga ng maganda. Naka graduate ako with flying colors, topnotcher sa bar exam at ngayon ikakasal ako sa babaeng pinakamamahal ko...
"Huwag mong sabihing iniisip mo na naman siya." Nakapamewang na sumandal si Marlon sa mesa.
"Huwag mo ng ipaalala uusok na naman ang bumbunan nito." inirapan ni Andi si Marlon. "at kapag nasira 'tong make up mo papaluin talaga kita nitong lamesa Fingerella sinasabi ko sayo." Pinandilatan niya ako agad ng makitang namasa ang mata ko.
"Hoy negra! Hindi por que panget ka akala mo matatakot muna ako!" duro ko sa mukha niya habang umiiyak. Inabutan ako ni Marlon ng tissue at mabilis akong nagpahid ng mga luha.
"Ytchee naman e! Makakailang retouch ba tayo bago ka makapaglakad sa isle?" Iritabling wika ni Andres. Inagaw niya ang tissue siya kamay ko at siya na ang nagpunas sa gilid ng mata ko.
"Masisisi mo ba ang galit ko diyan sa kaibigan mong walang isang salita?!" Humugo ako ng isang tissue at malakas na suminga "Alam ko namang sobrang busy niya, pero hindi paba siya nakukuntento hanggang ngayon kakapayaman at napapa alila parin siya sa mga yun?" Umiiyak na sumbat ko sa kanila. Nangako saken si Lucky noon na kahit anong mangyare kung nasaang sulok man siya ng mundo kahit kasal niya pa "daw" ikakansela niya makarating lang siya sa kasal ko. Pero ngayo
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Fiksi RemajaNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...