***Para sa friend kong si Ridz na kinaen na ng sistema ng K-DRAMA. Chos!
Enjoy reading seshie
CHAPTER 50
LUCKY'S POV
"Yab may pahabol pa palang regalo ang grandparents ko sayo." Nakangiting kwento niya habang nasa daan nakatutok ang mata.
"M-May regalo pa ulet ako?" nagtatakang sagot ko. Naibigay na nila ang regalo ko bago pa sila umalis papuntang Alabang diba?
"Oo nga Yab meron pang isa. Ang totoo excited na nga akong makita ang magiging reaction mo e." Nakangiting kwento niya habang nagmamaneho. Pauwe na kami ng bahay ngayon galing sa penthouse niya.
"Any clue?" Kinakabahang sabi ko. Ano na naman kayang regalo yun? Malamang isa na naman 'to sa pakulo ni Kenneth.
"You'll find out later." Kindat niya sabay ngiti. Yung paboritong ngiti ko.
"P-Puhleaase." Isinandal ko ang baba ko sa balikat niya. Kailangan kong daanin sa pagpapa cute para mapilitan siyang magsalita.
"Aish! Ang daya mo naman e!" reklamo niya at hinalikan ako sa ilong. Effective naman ang pagpapa cute ko. "Something useful. Si grandma ang nakaisip nun at kami naman ni Ate Joi ang bumili." Something useful? Musical instrument? Gadget? Jusko, huwag naman sanang kotse dahil nung nalaman nilang na hold up ako nitong huli sobra ang naging pag aalala nilang mag asawa. Sigh.
"Malamang mamahalin na naman yan." Nanlulumong sagot ko na ikina pungay ng mga mata niya. Hiyang hiya na talaga ako sa family niya. Sobra sobra na nga na nasa akin na ang paboritong apo nila pati mga materyal na bagay hindi sila pumapalyang bigyan ako.
"Yab! Magtatampo si grandma niyan kung ganyan ang magiging reaction mo." Nag aalalang sagot niya. "Diba nga nangako ka ng hindi ka na mahihiya sa granparents ko?" lumabi pa siya at sinimangutan ako.
"Oo na." Isinandal ko ang ulo sa upuan. "Pero Yab, sa tingin mo nagustuhan nila yung wedding caricature photo na iniregalo ko?" Wala akong maisip na iregalo sa kanila nung pasko kaya ng makakita ako ng magandang wedding anniversary photo nila sa Batangas agad kong tinawagan ang kaibigan kong marunong gumawa ng Pencil Caricature.
"Oo naman tuwang tuwa nga si grandpa e. Naka display nga yun sa loob ng kwarto nila." Bida niya pa. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Murang mura lang ang pagpapagawa ko nun sa kaibigan ko sa dati kong school.
"E si Tito Basti?" Nag aalangang tanong ko. Nagpagawa din kasi ako ng colored caricature photo nilang tatlo na ipina frame ko pa.
"Oh, Dad loves it too." Natatawang sagot niya. "And my sister loves that abstract painting you gave her last christmas." Mahilig kasi si Ate Joi sa mga bagay na something abstract. Parang si Kenneth napaka abstract ng utak.
BINABASA MO ANG
LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)
Novela JuvenilNa in LOVE ka na ba? Kung Oo anong lasa? Mapait, matabang, maanghang o matamis ba? Eh yung feeling ng nililigawan ka, naaalala mo pa? O Mas naalala mo pa yung time na iniwan ka niya? Ang love walang pinipiling gender yan. Kapag tinamaan ka, sap...