CHAPTER 37 - UNDER ARMS PARA SA UNDER NA DYOWA

1.2K 66 14
                                    




Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 37 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 37 

LUCKY'S POV

Naalimpungatan ako ng mahagip ng ilong ko ang pamilyar na amoy ni Kenneth. He smell like a baby soap. Ang sarap sa lungs yung tipong amoy ng batang bagong paligo at gigil na gigil kang halikan ang buong katawan nito habang kinikiliti dahil sa kaya ayang bango. Pagdilat ko nakasiksik ako sa gitna ng kili kili at ng dibdib ng kinababaliwan kong si Kenneth James Ang. Naramdaman ko ang mahinang pagyugyog ng balikat niya dahil sa pagpipigil ng tawa. Nairap lang ako saka ko iniyakap ang isang braso ko sa katawan niya.

"Good afternoon Yab." Mahinang bulong niya sa ulo ko. Hindi muna ako sumagot bigla ko kasing naalala ang mga naipong pagtatampo ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. This past few days nag out of town sila kasama ang buong basketball team nila para sa isang High School basketball invitational tournament ng piling International School.

Tumalikod ako ng pagkakahiga at mabilis na sumunod ang katawan niya at ang kamay naman niya ang pumulupot sa katawan ko. Ipinatong niya ang baba sa balikat ko at pinaulanan ng magaan ng halik ang leeg ko.

"Yab galit ka ba?" bulong niya at nakakakiliti ang pagdampi ng labi niya sa tenga ko.

Buong linggo ko siyang hindi nakita dahil sa pagiging abala niya school. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil hindi ko ugaling mangulit sa kanya sa tuwing hindi kami magkasama. As much as possible gusto kong maging malaya siya sa mga bagay na gusto niyang gawin. Hindi naman ako yung tipong pagbabawalan siyang gawin ang mga bagay na naka gawian niya bago kami nagkakilala. Dyowa lang ako hindi ako ang Nanay niya.

But in reality praning na praning ako. Daig ko pa ang naka droga dahil kating kati at sabik na sabik akong maamoy ang nakaka adik na presensiya niya. Naglalaway ako sa tuwing naaalala ko ang amoy niya. Walang minutong hindi siya pumasok sa utak ko. Madalas kong mapanaginipan ang mga lab lab moments naming dalawa na unti unting hinahanap hanap ko na.

"S-Sorry na Yab." Hinawakan niya ako sa balikat iniharap sa direksyon niya. "Yab bakit ayaw mong magsalita? Tinatakot mo naman ako eh." Bahagyang napapa garalgal ang boses niya. Umiling lang ako at idinikit ko ang mukha ko sa dibdib niya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon