CHAPTER 21 - PRETTY LITTLE LIAR

1.1K 74 17
                                    


CHAPTER 21 

YTCHEE'S POV

"Hello, Mahal? Mamaya na kita sunduin may emergency lang ako."

"Bakit, may nangyare ba? Ano na namang gulo ang pinasok mo?" Natatarantang sagot niya. Kagaya ko may pagka OA din kasi minsan ang mahal ko kaya kami nagkakasundo.

"Basta mamaya ko ipapaliwanag sayo! Kailangan kong mahanap sila Andres at nagkakagulo na kami dito!" natatarantang sagot ko hindi ko na alam kung saan ko sila hahanapin.

"Oh sige, sige mahal! Jusko naman hindi ba kayo mauubusan ng ganap?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa kabilang linya.

"Basta! Mamaya na kailangan kong mahabol yung dalawang bakla!" Sigaw na tugon ko sa kanya at hindi na talaga ako mapakali.

"Balitaan mo ako mahal, magiingat ka!" Hindi na ako sumagot pa at binabaan ko na siya linya.

Sa dami ng tao sa campus mukhang mahihirapan akong hanapin yung dalawa. Panay ikot at pasok ko sa mga booth na nadadaanan ko nagbabakasaling napadaan sila.

Wala na din akong pakialam kung makabangga o nababangga ako ng mga kapwa ko estudyante sa kakamadali mahanap ko lang yung dalawa. Masama ang kutob ko na may pinaplanong hindi maganda yung dalawang yun kaya napasunod ako.

"Aray! Putaragis naman pagkalawak lawak ng campus dito niyo pa naisip dumaan!" singhal ko sa isang grupo ng mga students na nakasakay sa hoverboard.

'Ang tatamad maglakad, kung nag bisekleta na lang sana sila may maganda pa sanang naidulot sa mga katawan nila.'

Kaya minsan hindi ko mapigilang masisi ang makabagong teknolohiya. Napadali nga ang pamumuhay ng tao kaso lalo namang dumagdag ang katamaran nila. Tulad niyan imbes maglakad at mag streching sila sumakay na lang ang mga talipandas na yan sa mga hoverboard na yan.

Sabagay sa lawak kasi ng Carlisle Academy hihingalin kang maglakad kaya halos lahat ng students sa campus may hover board o two-wheel self balancing scooter hoverboard. Libro nalang ata ang hindi tinatanggal sa eskwelahang 'to. Hindi narin kasi kami gumagamit ng notebook lahat sa tablet na bigay ng academy.

Lahat computerized, pati sa mga elevators voice command na. Buti yung mga hallways hindi pa nila pinapalitan ng walkalators kundi magbibigti na talaga ako!

Para na akong tangang nagpapaikot ikot sa campus. Hindi ko na mapigilang sabunutan ang sarili ko habang naglalakad. Pakiramdam ko ako ang makabagong Sisa na hinahanap ang mga anak kong sina Basilio at Crispin a.k.a Basilia at Crispina.

"Hoy, pareng Ytchee ayos yang bagong trip naten ah." Nagtataka at natatawang salubong ng kaibigan kong butch si Victor (Victoria sa totoong buhay).

"Anong trip, eh kung gripuhan kita? Kanina pa nga ako halis mabaliw baliw kakaikot mahanap lang yung mga panget na baklang yun eh." Angil ko sa kanya.

"Sino sila Andres at Marlon?" Kunot noong tanong niya.

"Sino pa!? Sila lang naman ang mga panget na baklang kilala ko dahil yung isa maganda nga may golden balat naman sa pwerta!" At bigla siyang tumawa ng malakas.

"Siraulo. Balita ko may scandal daw yung kaibigan mong si Lucky Gonzaga ah. Totoo ba yun pare?"

"Sa lahat ng kaibigan kong tibo ikaw lang ang bukod tanging tibong tsismosa!" Pinandilatan ko siya sa inis.

"Ito naman hindi na mabiro. Hindi nga totoo ba yun?" Lumapit siya saken at bumulong. "Bali-balita kasi meron daw talaga, may naka kita na nga ng video eh, hindi nga lang daw ina-upload." Seryosong kwento niya.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon