CHAPTER 48 - ANG BIDANG KONTRABIDA.

1.2K 58 5
                                    


CHAPTER 48 – 2 


LUKCY'S POV

"Lucky we're here." Nagising ako sa mahinang pagtapik ni Wesley sa pisngi ko. "Wake up wifey." Sabay tawa ng mahina. Pakiramdam ko nakasakay parin ako sa Space Shuttle.

"I'm sorry." Pupungas pungas akong umakap sa kanya. "Bakit di mo ko ginising, nakatulog tuloy ako."

Ang totoo hiyang hiya ako sa kanya ginawa ko siyang driver simula pa kaninang umaga.

Wala tuloy siyang nakausap buong biyahe. Sobrang napagod talaga ako kanina, matapos naming ikutin ang lahat ng pwedeng masakyan sa Enchanted. Grabe pati yung mga rides na pambata pinatos niya pa kahit yung carousell hindi niya talaga pinalampas. Nagpakasawa din kami sa pagselfie sa bawat mapuntahan namin. Kumaen pa kami sa isang nadaanan naming restaurant sa highway pauwe.

Busog ako no wonder borlog ang peg ko buong biyahe. Sana lang hindi ako nakanganga kanina. Nakakahiya.

"Its okay. Kasalanan ko naman pinagod kita ng sobra sobra kanina." Nakuha niya pang kumindat paglingon sa kinauupuan ko.

"Nakakahiya kasi ginawa kitang driver." Mahinang sagot ko.

"Seriously i'm fine with that." Tinapik niya ako ng mahina sa balikat. "And besides nalibang naman ako while watching you sleep. Ang dami ko kayang tawa dahil nakanganga kang matulog kanina." sabay bulalas ng tawa.

"Pisti ka!" Pinaghahampas ko siya sa braso. "Well, kung yan ang makapagpapasaya sayo ngayon pagbibigyan kita Ongpauco."

"Isa lang yun sa mga nakapagpapasaya saken pero kung hahalikan mo ko ulet---" dina niya natapos ang sasabihin dahil isang madiing halik sa cheeks ang ibinigay ko. Mas okay na siguro yung kiss wala pa kasi akong budget pambili ng mamahaling regalo. Yung kiss libre pa, huwag lang malalaman ni Kenneth baka tuluyan na niyang ipatahi ang bibig ko.

"Whoa! Mas masarap pa yung kiss mo kesa sa deserts natin kanina wifey!" tuwang tuwa sambit niya.

"Tara na baka lalo kang gabihin sa daan." Past 11 na sa sobrang traffic pati oras kinaen na. See, atleast hindi lang ako ang matakaw ngayon. Siya na rin mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko habang tumatawa.

"A-Ara--Aray!" Natatawang daing niya ng kagatin ko siya sa pisngi. "Baliw ka talaga!" Biglang tawa niya habang pinupunasan ang kinakagatan kong pisngi. Ako na ang nagbukas ng pinto at sabay kaming lumabas ng kotse niya.

"Mag ingat ka pag uwe. Hindi ako matutulog hangga't hindi kapa nagtetext na nakauwe kana." Paulet paulit na bilin ko sa kanya.

"O-Opo! Daming bilin." Nangamot siya ng ulo. "Paulit ulet nasa restaurant palang tayo yan na ang sinasabi mo!" adik 'to malamang nag aalala ako ang layo kaya ng drinayb niya mula pa kaninang umaga.

"Sumunod ka nalang ang dami mong reklamo!" pinandilatan ko siya sa inis.

"L-Lu." Pakiramdam ko pinalo ulet ako ni Lloyd sa likod ng marinig ko ang mababang boses ni Kenneth sa bandang likuran namin. Patay ka Inday!

"B-Bro!" Masayang bungad ni Wesley. Excited pa siyang lumapit at umakap kay Kenneth.

"How's your trip?" casual na bungad niya sa pinsan.

"Sobrang saya! Best day ever bro!" sabay tawa ng malakas. Napairap lang si Kenneth sa ka OA'han ng pinsan. Saka lang siya tumingin sa direksiyon ko.

LUCKY ME - Just Got Lucky - BOOK 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon